Sunday , November 17 2024

Recent Posts

Technicolor managinip at nabubuhay sa ilusyon si Joseph ‘Erap’ Estrada

HINDI porke’t naging artista ay dapat nang ituring ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang buhay bilang kathang-isip na siya rin ang nagsulat, batay sa kanyang pinaniniwalaan at kahit lihis o wala sa tamang katuwiran. Sa paggunita ng ika-61 anibersaryo ng National Press Club (NPC) kamakailan ay buong ningning niyang inihayag na “pinatatawad” na raw niya ang …

Read More »

Kung ayaw nila sa atin e di ayaw din natin sa kanila

NAKALULUNGKOT ang desisyon ng mga mambabatas ng autonomous Hong Kong na putulin ang pakikipag-ugnayan sa atin pero sa pagkakataong ito ay may palagay ako na biyaya sa atin ang kanilang pasya. Kung sakaling matuloy ang panukalang hakbang na ito ng mga mambabatas ng Hong Kong Special Administrative Region ay tiyak na mababawasan na ang pagpasok ng mga pekeng paninda sa …

Read More »

Babangon ang ‘Pinas!

SUNOD-SUNOD na kalamidad ang dumating sa ating bansa nitong mga nakalipas na araw pero tiyak na babangon pa rin ang mga Pinoy dahil subok tayong matatag at matibay dahil sa paniniwala sa Panginoong Diyos. Hindi kayang tinagin ng lindol o bagyo ang mga Pinoy at iyan ay napatunayan na natin nang makailang ulit kaya’t malaking parte ang pananalig sa Dakilang …

Read More »