Saturday , December 20 2025

Showbiz

Yassi, nawiwili sa pag-aalaga ng ahas

NGAYONG 2019 ay may bago na namang alagang ahas ang Kapamilya star na si Yassi Pressman mula sa kanyang close friend. May kasama na nga ang kanyang alagang ahas na si Fluffy, isang ball python si Sky. Kitang-kita sa mga picture at sa video na ibinahagi ni Yassi kung gaano ito kasaya habang nilalaro ang mga alaga. Ibinandera nga nito sa kanyang IG video ang bagong …

Read More »

Piolo, gusto nang magka-dyowa

 “ANG New Year’s resolution ko…ang magka-love life.” Ito ang pahayag ni Piolo Pascual nang matanong siya ukol sa kanyang New Year’s Resolution. Maaalalang matagal-tagal na since nagkaroon ng karelasyon si Piolo after ng break up nila ni KC Concepcion. Wala ng napabalita pang bagong karelasyon ang mahusay na actor. May mga nali-link sa actor  pero wala namang solid proof na maituturing . Kaya naman …

Read More »

Harlene, naiyak sa pa-block screening ni Kris sa Rainbow’s Sunset

Aminado si Harlene Bautista, producer ng Rainbow’s Sunset na ikatlong beses na niyang napanood ang pelikula pero lagi pa rin siyang naiiyak. Nitong nakaraang Sabado, Enero 5 ay nagkaroon ng block screening para sa Rainbow’s Sunset na ginanap sa SM Megamall Director’s Club na inisponsoran ni Kris Aquino. Pagkatapos namin mapanood ang napakagandang pelikulang Rainbow’s Sunset na deserving talagang manalong Best Picture ay napansing pasimpleng nagpahid ng mga mata niya si …

Read More »

P40-M trust fund ng mga anak ni Kris, dawit sa financial issues sa dating managing director ng KCAP

MAY bagong pasabog si Kris Aquino tungkol sa P40-M na ini-invest sa Potato Corner & Nacho Bimby na pinamamahalaan ng dating managing director ng KCAP na si Nicko Falcis. Ang nasabing halaga ay galing mismo sa trust fund ng mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby kaya ganito na lang ang galit ng una noon dahil nagalaw ang para sa kinabukasan ng mga anak. Matatandaang hindi binanggit …

Read More »

Direk Tony, iiwan na ang pagdidirehe

MATAGAL nang gustong magretiro ni Direk Tony Y Reyes. Ito ang agad na tinuran ng magaling na director nang kumustahin namin siya sa bago niyang pinamahalaang pelikula, ang Boy Tokwa, Lodi ng Gapo napinagbibidahan ni Jose Manalo mula sa VST Production Specialists Inc., at mapapanood na simula ngayong araw. Anang director, apat na taon na niyang gustong magretiro sa paggawa …

Read More »

Apo ni Tito Sen, gustong mag-ala Robin Padilla; wish makapareha si Catriona Gray

FIRST time aarte at mabigyan ng malaking role ang apo ni Senador Tito Sotto, si Mino, anak ng panganay ng senador na si Apple sa Boy Tokwa, Lodi ng Gapo pero enjoy siya dahil talagang gusto niyang maging artista. Ani Mino, “Gusto ko talagang mag-artista. It took time rin eh (para pasukin ang pag-aartista), nag-workshop muna ako. Pinaghandaan kong mabuti …

Read More »

Alden Richards consistent sa kanyang thanksgiving sa entertainment press

LAST January 5 ay muling nakasama ng entertainment press si Alden Richards sa kanyang yearly thanksgiving party at ginanap ito sa pag-aari niyang Concha’s Garden Cafe sa Kyusi. Ang maipupuri sa ating Pambansang Bae ay consistent siya sa pamamahagi ng kanyang blessing sa press bilang paraan niya para makapagpasalamat sa suporta sa kanyang career. At tulad last year ay unlimited …

Read More »

Young actor/dancer/host Christian Gio maraming following sa facebook at iba pang social media account

Christian Gio

Pabalik na sa Manila this week ang young actor/dancer/event host na si Christian Gio, galing sa isang-buwang bakasyon sa Cebu na kinanaroroonan ng kanyang buong pamilya. Base sa mga post ng guwapong actor sa kanyang Facebook account (in all fairness marami siyang following sa social media) ay naging masaya ang kanyang pamamalagi sa Cebu at ini-enjoy niya ang vacation niya …

Read More »

Ria Atayde, gustong humataw sa pelikula at TV

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ni Ria Atayde. After ng MMFF na pinuri ang kanyang mahusay na pagganap sa entry nilang The Girl In The Orange Dress na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola, ngayon ay balik na ulit si Ria sa taping ng TV series nilang Halik. Available na rin sa iWant TV ang digital TV series nilang High ni …

Read More »

Rayantha Leigh, kaliwa’t kanan ang projects ngayong 2019

HAHATAW ngayong 2019 ang young recording artist na si Rayantha Leigh sa kanyang showbiz career. Bukod sa kanyang third single, first album, bagong endorsement at pelikula, kasama pa rin siya sa season-2 ng Bee Happy Go Lucky bilang host na sa IBC 13 na mapapanood ngayong February. Saad ni Rayantha, “Ngayong 2019, ire-release po ang bago kong single at ila-launch po ang …

Read More »

Alden Richards, sikat na fastfood franchise ang birthday gift sa sarili

HAVING a franchise of McDonald in Biñan, Laguna, Alden Richards considers, to be his most fitting birthday gift on his 27th birthday. Alden proudly announced that his McDonald Olivarez branch is slated to open sometime in April just in time for Easter Sunday, on April 21. “We’re eyeing an Easter Sunday opening,” he disclosed. “Sa may Olivarez, katabi po kami …

Read More »

Actor-politiko, grabe mag-bribe

MISMONG ang isang barangay chairman na ang nagsiwalat kung gaano pala kagrabe mag-bribe ang isang aktor-politiko sa isang lalawigang nasasakupan niya. “Lokal na lider pa namin noon ang actor-turned-politician na ito,” simulang kuwento ng aming source. Kapag natunugan kasi ng aktor na ito na hindi siya suportado ng mga kapitan ng barangay ay ipinatatawag niya ang mga ito para personal …

Read More »

Michael Angelo, komedyanteng nagbibigay inspirasyon sa mga tao

“KINUHA akong guest sa isang serye, ang role ko ay isang pari na magbibigay dapat ng recollection sa ibang mga pari rin. Pagdating ko sa set, nagtanong ako. Bakit iyong ibang kinuha ninyo para gumanap na pari hindi naman mukhang pari? Eh mukhang budol-budol ang mga hitsura eh” sabi ni Michael Angelo Lobrin.  Ang resulta ng sinabi niya, “iniutos ni direk Maryo (delos …

Read More »

Tony Labrusca, walang karapatang umarte nang magaspang

MARAMI tuloy ang nabuksang mga bagay tungkol sa baguhang si Tony Labrusca dahil sa pag-iinit ng kanyang ulo sa airport nang hindi siya bigyan ng “balikbayan” status ng Immigration officers.  Una, ano man ang sabihin niya, ang ginawa ng mga opisyal sa airport ay naaayon sa batas. Siya ay isang US citizen, at wala siyang kasama isa man sa mga magulang niyang …

Read More »

Ai Ai at Gerald, tatrabahuin na ang pag-aanak

AYON sa Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, sasagarin niya ang pagiging abala sa career sa TV at pelikula sa Year of the Earth Pig! “Sa 2020 na kasi namin gagawin ang malaking project ng buhay ko. Namin ni Papa Ge (Gerald Sibayan). Sa tulong naman siyempre ng siyensya, plano na naming mag-asawa ang magkaroon na kami ng aming baby.  …

Read More »

Arnell, binigyan ng sariling negosyo ang anak

AYON naman sa brain behind the Creative Hairsystems na Deputy Administrator for the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio, ”I am just so happy to see my real friends from way back na sa isang text ko lang eh, nanditong lahat to support me with my brainchild which I am relinquishing to my one and only daughter Sofia.” Ang …

Read More »

Tetay, excited sa iFlix project; na-inspire kay Demi Lovato

EXCITED na si Kris Aquino sa gagawing projects sa sikat na subscription video on demand service, ang iFlix. Inihayag niya sa kanyang Instagram (@krisaquino) na makikipag-meeting na ang kanyang management team mula sa Cornerstone at sa kanyang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) sa team ng iFlix sa Pilipinas para sa kanilang collaboration projects. Isang proyektong naiisip ni Kris ay may kinalaman …

Read More »

Tito Sotto, kompiyansa sa galing ni Jose kaya pinagbida sa Boy Tokwa

Tito Sotto Mino Sotto Boy Tokwa, Lodi ng Gapo

IKINOKONSIDERANG isa sa pinakasikat at kuwelang karakter si Boy Tokwa sa Olonga. Ito ang binigyang linaw sa amin ni Senador Tito Sotto nang makausap sa presscon ng Boy Tokwa, Lodi ng Gapo na handog ng kanyang VST Production Specialists Inc., at pinagbibidahan ni Jose Manalo. Ani Tito, may pagka-Robinhood si Boy Tokwa na ang mga tinatalo ay mga US Navy. Bukod dito’y nakatutuwa ang mga karakter na involve sa kanya. …

Read More »

Michael Angelo, may bagong pakulo sa #Michael Angelo: The Sitcom Season 13

Michael Angelo

BENTANG-BENTA ang mga binitiwang jokes ni Michael Angelo Lobrin nang minsang humarap ito sa mga entertainment press para ibalita ang ilang pagbabago sa kanyang lalo pang lumalawig na show, ang #MichaelAngelo: The Sitcom sa GMA News. Kaya hindi kataka-taka na bukod sa kanyang show na ngayo’y Season 13 na, marami ring malalaking kompanya ang nagtiwala sa kanya para mag-sponsor tulad ng Bounty Fresh, Chooks to …

Read More »

Catriona Gray, ginawan ng commemorative stamp

Catriona Gray commemorative stamp

INANUNSIYO ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na maglalabas sila ng commemorative stamp ni Miss Universe 2018 Catriona Gray tulad ng ginawa nila sa tatlong Filipina Miss Universe winners. Maaalalang una ng ginawan ng commemorative stamp sina 1973 Miss Universe Margie Moran, 1969 Miss Universe Gloria Diaz, at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at ngayon nga  si Gray. Kasabay nito, ay …

Read More »

Migo, dumayo ng Autralia para magpa-tattoo

ISINABAY ng Kapuso artist na si Migo Adecer ang pagpapa-tattoo sa Australia. Maaalalang nagbakasyon si Adecer sa kanyang hometown. Naroon ang kanyang pamilya at kaibigan kaya todo-bonding siya sa mga ito. ISINABAY ng Kapuso artist na si Migo Adecer ang pagpapa-tattoo sa Australia. Maaalalang nagbakasyon si Adecer sa kanyang hometown. Naroon ang kanyang pamilya at kaibigan kaya todo-bonding siya sa …

Read More »

Xian, lulundag na sa Kapuso

TRUE nga bang gugulatin na lang tayo ni Xian Lim sa kanyang paglundag sa GMA anytime now? Ang alam naming dahilan ng paglipat ng sinumang artista mula sa kanyang tahanan en route to another network ay kawalan ng projects o kawalan ng balita kaugnay ng renewal ng kanyang kontrata. Kung matatandaan, sa nakaraang ball ng Star Magic ay hindi imbitado si Xian kahit alam ng lahat …

Read More »

Mga ‘di nagwagi sa MMFF, na-frustrate

MATAGAL na ring hindi tayo nakapag-column sa aking pambatong Hataw. Belated Merry Christmas And A Happy New Year sa mga bossing Sir Jerry Yap, Madam Glo (Galuno), Patty, seksi lady editor Maricris, at buong Hataw Family. God Bless Us All! *** PANSIN ko lang nitong nakaraang Pasko, kahit karamihan ay nagsasabing taghirap, pero masagana pa rin, maraming lafang, may datung …

Read More »