Friday , May 3 2024

Ai Ai at Gerald, tatrabahuin na ang pag-aanak

AYON sa Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, sasagarin niya ang pagiging abala sa career sa TV at pelikula sa Year of the Earth Pig!

“Sa 2020 na kasi namin gagawin ang malaking project ng buhay ko. Namin ni Papa Ge (Gerald Sibayan). Sa tulong naman siyempre ng siyensya, plano na naming mag-asawa ang magkaroon na kami ng aming baby. 

“Ka­ya this year, focus muna ako sa ma­raming trabahong naka-line up. Nagsu-shoot na ako kay direk Rechie del Carmen ng ‘Feelenials’. Kami ni Bayani (Agbayani).

“Tapos, tuloy pa rin kami sa ‘Sunday Pinas Saya’ ni direk Louie (Ignacio). Lilipad lang kami sa Portugal to attend the Film Festival na kasali ang ‘Area’. Manalo or matalo, ang goal ko naman doon eh, ang pumunta sa lugar ni Mama Mary. Bonus na kung manalo. But more than that, ang gusto ko marating eh, ang lugar o Shrine ni Mama Mary. ‘Yan naman ang mga lugar na pinupuntahan ko when I travel. And isa pa na gusto ko ma-achieve eh ang ma-meet na rin in per­son si Pope. May award na­man ako na galing sa Rome and I think, may chance ang mga nabigyan ng award ng Papacy to have an audience with him.”

Ai Ai was at the dedication of her bff for life’s Arnel Ignacio’s and daughter Sofia’s Creative Hairsystems and Microblading sa Swire Elan in Greenhills.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *