Thursday , December 26 2024

Showbiz

Mga panooring kapaki-pakinabang sa mga bata handog ng iWant

NGAYONG nasa bahay ang mga bata, samahan silang matuto ng mga bagong kaalaman habang nalilibang sa pamamagitan ng panonood ng mga programa at pelikula sa iWant na magpapalalim at magpapalawak ng kanilang isipan.   Subaybayan ang masasayang adventure sa animated TV shows na  Peppa Pig, kasama si Peppa at ang kanyang pamilya at kaibigan,  Monk, tungkol sa isang masayahing asong paulit-ulit na …

Read More »

Arjo, Ria, Gela, at Xavi, walang sintomas; Nagpapasalamat sa mga dasal sa kanilang magulang

MARAMING nag-alala sa magkakapatid na Arjo, Ria, Gela, at Xavi Atayde kung kumusta na sila dahil nga kasalukuyang nagpapagaling ang magulang nilang sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.   Ito kaagad ang kumalat sa iba’t ibang chat group noong araw na nag-post si Ibyang na positibo silang mag-asawa sa Covid-19.   Noong isang araw bago magtanghali ay naglabas ng official statement ang magkakapatid na Arjo, Ria, Gela, …

Read More »

Marian at Dingdong, lutong-bahay ang handog sa mga taga-QC Gen hospital

LUTONG-BAHAY ang ipinakain nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga frontliner at health workers na nagtatrabaho sa Quezon City General Hospital nitong nakaraang mga araw.   Si Marian ang nagluto habang si Dong ang nag-ayos sa packed dinner.   “Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkan –aming munting handog sa mga frontliner natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi.   “Maraming salamat …

Read More »

Sa mga actor at talent manager na ‘pumapasada’ pa, ingat at baka ma-Covid-19

blind item

PAALALA ulit, iyang mga “pumapasada” riyan, medyo tigilan na muna ninyo iyang mga sideline ninyo dahil hindi ninyo alam kung ang pinapasadahan ninyo carrier ng Covid-19. Nagpapaalala lang kami dahil may narinig kaming ilang male stars na pumapasada pa rin. Mayroon ding isang “talent manager” na ipinapasada pa rin ang mga sexy star niya.   Ingat kayo dahil totoo iyang …

Read More »

Covid-19 test result ni Menggie, limang araw nang patay bago lumabas

ANG lakas ng tawa namin doon sa balitang lumabas na ang Covid test ni Menggie Cobarrubias at sinasabing siya nga ay positive sa Covid-19. Mas nakatatawa iyan kaysa jokes nina Dolphy at Babalu, dahil lumabas ang resulta noong limang araw na siyang patay.   Hindi ba napakahusay naman nila, na nalalaman ang sakit kung patay na ang pasyente? Aba eh kung ganyan nga, abutin man …

Read More »

Coney Reyes, never ikinompara ang mga anak sa iba

“HINDI kami pinalaki ng mommy ko na ikino-compare ang sarili sa iba,” mistulang pagsusuma ni LA (Lawrence Anthony) Mumar kung paano sila dinisiplina ni Coney Reyes, ang butihing ina nila nina Vico Sotto at Carla Mumar.   Ang pamosong basketbolistang si Larry Mumar ang ama nina LA at Carla. Siguradong alam n’yo nang si Vic Sotto ang ama ni Vico.   Sampung taon ang tanda ni LA kay Vico kaya mas una siyang nakilala …

Read More »

Pagpopostura nina Angelica, Sunshine at KC, gayahin kahit naka-ECQ

KAMAKAILAN ay nag-post sa kani-kanilang social media account ng pictures nila sina Angelica Panganiban, Sunshine Cruz, at KC Concepcion na naka-outfit na parang may mga lakad.   Of course, gaya rin nating karaniwang mamamayan, taumbahay din ang mga artista sa panahon ng enhanced community quarantine. Ni sa ordinaryong restoran, hindi tayo pwedeng pumunta. Ang mga artista man ay ganoon din.   Sa unang post …

Read More »

Vice Ganda, sobra-sobra ang pag-aalala sa kapatid na doktor

HINDI pala mag-isa lang na namumuhay si Vice Ganda sa mansion n’ya sa kung-saan-man (bagama’t ang alam ng marami ay sa Quezon City siya naninirahan). Kapiling pa rin pala n’ya ang pamilya n’ya. At isa sa mga kasama n’ya sa bahay ay ang kapatid n’yang doktora na nagtatrabaho sa isang ospital. Worried siya at awang-awa sa kapatid n’ya dahil tuwing nasa …

Read More »

FDCP, may ayudang P5k sa freelance entertainment press na apektado ng Covid 19 

ISANG linggo na ang lumipas mula nang inilunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program upang matulungan ang audio-visual (AV) content industry stakeholders na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Nang dahil sa COVID-19, ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon at idineklara ang state of calamity sa buong bansa ni …

Read More »

Young male star, ingat-ingat sa ‘pagsa-sideline’ baka makasagap ng virus

blind mystery man

PAALALA lang doon sa young male star na patuloy ang “sideline.” Una, may home quarantine na ipinatutupad. Ikalawa mahalaga ang social distancing. Kahit na sabihing kilala naman niya ang mga “client” niya sa sideline, hindi niya alam kung carrier na iyon. Baka mahawahan pa niya ang kanyang ka-live in. Hindi maganda iyan.   Dapat magpreno muna siya sa sideline ngayon. Oo nga wala …

Read More »

Direk Gina, mananalangin at magpapasalamat (‘Pag natapos na ang Covid-19)

KINONDISYON na ni direk Gina Alajar ang sarili sa gagawin ngayong enhanced community quarantine dahil pahinga ang taping ng series niyang Prima Donnas. Ito ay ang makapagpahinga.   Eh habang nasa bahay, saad ng actress-director, “My time is divided to reading the Bible, praying, listening to praise and worship music, watching TV, watching the view from my room, colouring and sleeping.”   Ang gagawin …

Read More »

Kindness Kitchen ni Maine, ilalaan sa mga barangay sa Bulacan 

HOT meals ang tulong na ibibigay ni Maine Mendoza sa mga nangangailangang barangay sa Bulacan.   Nitong mga nakaraang araw eh ayudang cash ang ipinamigay niya sa ilang informal workers nang makalikom ng mahigit P500K.   Isinagawa ni Meng ang Kindness Kitchen na ipinost niya sa kanyang Twitter. Sa susunod na linggo niya isasagawa.   Ayon sa art card ni Maine, 2,000 meals ang target …

Read More »

Aerosol boxes, ipinamahagi ni Edu

SAMANTALA, bukod sa ipinaskel niyang pasasalamat sa gate ng kanyang tahanan para sa ating frontliners, Edu Manzano did his part naman para sa maibabahagi rin niyang tulong sa mga ito.   Nag-deliver siya ng Aerosol boxes sa St. Luke’s Hospital.   “What started as 50 ballooned to 240. What a week! Thanks to our partners: The Calaquian Family (ANIMO), Primex Printers, Halili-Cruz …

Read More »

Mica dela Cruz, may sariling ring pagtulong sa frontliners

MAGANDA ang naging pagpapalaki ng mga magulang nila sa pamilya ni Mica dela Cruz na dear sister ni Angelica.   Naging taal na ang pagtulong nila sa mga tao sapul pa lang nang maliliit pa sila. Dahil ang Daddy Ernie nila eh, nag-ampon at nag-alaga ng mga batang gusto ring sumikat sa pagba-banda.   Ngayon, sa panahon ng CoVid-19, hindi na kailangan ni Mica na …

Read More »

@Angel Locsin Staffed faked; Pagsasamantala, nabuking

TALAGANG inililigtas ng Maykapal sa pagsasamantala ng masasamang nilalang ang mga tao na kasimbuti nina Angel Locsin at Neil Arce.   Sa gitna ng mga problema ngayon na ‘pag ‘di nabigyan agad ng solusyon ay mauuwi sa kamatayan ng marami, may mga nilalang pa rin na ang makapanloko ang tanging layunin sa buhay.   Ilang araw lang ang nakalipas, may mga tao na …

Read More »

Angel, tunay na Darna sa paglutas ng mga problema sa Covid-19

NGAYON naniniwala kami roon sa sinasabi ng marami na siguro nga ang dapat nilang gawing Darna ulit ay si Angel Locsin. Una, hindi naman maikakaila na ang proyektong iyon ay talagang inihanda para sa kanya. Naging katuwiran nga lang iyong nagkaroon siya ng problema sa kanyang spinal column.   Pero tingnan ninyo, sa panahong ito ng kalamidad, aba eh talagang parang Darna si Angel. Iyong …

Read More »

Unang naglabas ng video ni Iza sa socmed ang dapat idemanda

NATUTUWA kami at nag-negative na si Iza Calzado sa Covid-19, nang sumailalim sa ikalawang test, at nakagugulat dahil matapos ang dalawang araw na pag-amin na positive siya, naisagawa agad ang ikalawang test at lumabas na ang resulta na negative siya.   Napaka-suwerte ni Iza, isipin ninyo nabigyan siya agad ng ikalawang test, samantalang dahil sa limitasyon ng test kits maraming namatay na …

Read More »

Galerans, nagpasalamat sa ipinamahaging bigas ni Kris

Nag-post ang Municipality of Puerto Galera ng kanilang pasasalamat sa pagbibigay sa kanila ni Kris Aquino ng bigas.   Base sa post, “Again, our heartfelt thanks to Ms. Kris Aquino for donating 13 cavans of rice which were equally distributed to our barangay frontliners; one cavan for each barangay.”   Ini-repost naman ni Kris ang mga litrato at ang caption niya, “I was shown …

Read More »

Sylvia Sanchez at Papa Art, nag-positibo sa Covid-19

GINULAT ni Sylvia Sanchez ang kanyang Instagram followers sa ipinost niya kahapon bandang 1:45 p.m. na positibo silang mag-asawa sa Covid-19.   Kaya pala nanahimik si Sylvia at wala siyang mga post sa social media account niya, iyon pala ay maysakit na siya.   Ang huling post na nakita namin ay noong kaarawan ng anak niyang si Ria Atayde, Marso 23 na ginanap sa bahay …

Read More »

Klea Pineda, miss nang magtrabaho

Klea Pineda

HABANG nag-eenjoy ang ilan sa pagpapahinga sa kani-kanilang tahanan simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong nakalipas na linggo, ibinahagi naman ni Kapuso star Klea Pineda na miss niya na ang magtrabaho.   Sa kanyang Instagram post, sinabi ng Magkaagaw star na hindi ito sanay na nasa bahay lamang kaya nami-miss nang umarte sa telebisyon.   Sa kabila ng kinakaharap na krisis ng buong mundo, pinaalalahanan pa …

Read More »

Live workout ng DOTSPh cast, sinabayan ng netizens

KAHIT hindi muna napapanood on-air ang Descendants of the Sun, good vibes pa rin ang hatid ng cast nito sa pangunguna ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.   Sa Facebook at Instagram, binuo nila ang @dotsphofficial na nais magbigay ng, “hope, positivity, happiness, and inspiration during this time of Enhanced Community Quarantine in the country.”    Isa sa activities nila ay ang Facebook Live na sabay-sabay nagwo-workout sina Dingdong, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon …

Read More »