Sunday , December 22 2024

Vir Gonzales

Direk FM Reyes, inspired sa Ang Sa Iyo Ay Akin

INSPIRADO at dedicated si Direk FM Reyes sa teleseryeng tinututukan sa Kapamilya Channel, ang Ang Sa Iyo Ay Akin. Bale iniaalay niya ang teleseryeng ito sa mga tauhang  nawalan ng trabaho sa ABS-CBN. Napapanahon ang istorya kung kaya naman tutok ang mga tagahanga and besides puro magagaling ang mga artistang nasa cast tulad nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Sam Milby, at Maricel Soriano. Si Direk FM ay ang …

Read More »

Boobay at Super Tecla, nagbaliw-baliwan

TEARY-EYED Boobay noong makakuwentuhan naming. Paano masaya sana sila ni Super Tecla dahil nag-start na ang taping ng kanilang show sa Kapuso. Pero nahaluan iyon ng lungkot dahil wala silang audience na kahit mag super patawa sila ay parang napakahirap. Hindi nga naman biro iyong magpatawa na walang nakikitang audience dahil bawal pang magtabi- tabi o magpapasok sa studio. Nakakaloka raw anila ang ganoong situation …

Read More »

BB Gandanghari, ‘wag nang mandamay ng iba

HINDI namin maintindihan si BB Gandanghari kung bakit naisipan pa niyang ikuwento ang kanyang sex escapade. Apektado na ng kahirapan ang buhay, including ang showbiz, dahil sa Covid-19 pandemic pero heto’t kung ano-ano pa ang ginagawa ni BB. Hindi kaya alam ni BB ang nadarama ng mga kapatid niya sa hanapbuhay at buong giting pang nagkukuwento ng kabaklaan escapades niya? Sabi nga …

Read More »

Ang Sa Iyo Ay Akin, gabi-gabing trending

MASAYA ang Kapamilya Channel dahil nagre-rate ang Ang Sa Iyo Ay Akin nina Jodi Sta Maria, Iza Calzado, Sam Concepcion, at Maricel Soriano. Matagal hindi nasundan ang huling teleserye ni Direk FM Reyes kaya naman ngumiti ang langit sa kanila. Talagang nanabik ang televiewers sa mga panooring mula sa Kapamilya. Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng Ang Sa Iyo Ay Akin na gabi-gabi ay trending sa social media dahil sa makapigil-hiningang mga eksena …

Read More »

Talents ng ABS-CBN, nagkalat

HUWAG nang magtaka kung saan-saan nang network o management agency makikita ang mga talent ng ABS-CBN. Hindi maiiwasang kumalat ang mga talent ng Kapamilya Network dahil looking for greener Pasteur ang mga ito. Siyempre kung saan may datung doon ang takbo nila. Wala na ang loyalty ngayon dahil mahirap ang magutom ang pamilya.   SHOWBIG ni Vir Gonzales

Read More »

Ate Vi, sabik nang makasal si Luis

NABIGLA si Kongresista Vilma Santos sa isang panayam  sa kanya nang tanungin siya kung tutol sa balak na pagpapakasal ng anak na si Luis Manzano kay Jessy Mendiola. Anang kongresista, “Naku hindi, wala akong tutol sa kung anong plano nila.”   Sa totoo lang nananabik na ring magkaroon ng apo si Ate Vi dahil sa grupo nilang sumikat, bukod tanging siya na lang yata ang walang …

Read More »

Gloria Sevilla, wala pa ring kupas

IPINAKITA ni Ms. Gloria Sevilla na wala pa rin siyang kupas sa pag- arte at ito ay sa isang Visayan Short Film, Ipinakita ni Tita Glo kung paano nakibaka ang isang 85 year old na nakulong sa quarantine ng 14 days pero malusog pa rin ang isipan. Si Suzzete Ranillo ang nagdirehe ng pelikula.   SHOWBIG ni Vir Gonzales

Read More »

Hermano Mayor ng Baliuag inatake, patay

DOBLE ang lungkot  na nararamdaman ng mga taga-Baliuag, Bulacan dahil sa  walang celebration na magaganap ngayong August 28, ang birthday ni Saint Agustin. Bawal ang mass gathering kaya wala munang pagtitipong magaganap. Idagdag pa riya ang pagkamatay ng Hermano Mayor ng fiesta, si Don Jorge Allan Tengco, 49, Namatay siya noong August 19, 2020 dahil inatake.. Si Jorge Allan ay haligi ng …

Read More »

Willie, patuloy na nagbibigay-ayuda

WALANG planong tumakbong kongresista  o senador si  Wowowin TV host, Willie Revillame na patuloy sa pagtulong sa mga nagdarahop na drivers. Ang iba sa kanila balitang may dalang lata na humihinge ng limos sa mataong lugar. Binigyan sila ni Willie ng tig-P5K kaya ganoon na lamang ang tuwa ng mga ito. Masuwerte ang mga driver dahil may isang Willie na nagmamalasakit sa kanila.   …

Read More »

TV5, takbuhan ng mga artistang gustong i-survive ang career

WHERE the grass is greener doon tiyak magtatakbuhan. Ito ang nangyayari ngayon sa TV5 na roon ang takbuhan ng mga artistang gustong  maka-survive ang career. Yes, matunog ang TV5 uli ngayon pero ang tanong, maibibigay kaya nito ang kasikatan at malaking talent fee tulad ng ABS-CBN? Well, abangan na lang kung ano ang magiging resulta nito ngayong naglilipatan ang mga artista sa  network …

Read More »

Pagsikat ni Jane, naudlot

MASAKIT man sa kaloban, hindi natuloy ang pagiging Darna ni Jane de Leon sa ABS-CBN. Naudlot ang sana’y magbibigay sa kanya ng daan para kuminang ang career. Masuerte pa rin naman siya dahil bukod tanging napili para sa papel na ito. Isang karangalan ni Jane na mapili dahil hindi basta artistang babae ang puwedeng gumanap ng Darna. May nagkomento, nab aka kaya hindi na natuloy …

Read More »

Katapangan ni Mayor Isko, pinalakpakan

PINALAKPAKAN at hinangaan ang katapangan ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagpapasara ng mga tindahan sa Binondo nang  malamang nakalagay sa produkto niyon, ang Manila, Province of China. Hindi masikmura ni Yorme ang pang-iinsulto sa ating bansa ng China kaya naman ipina-hunting din agad niya. Kaya lang nakatakbo ito pero huhulihin pa rin ang beauty products at negosyo ng mga Intsik na …

Read More »

Prusisyon at banda ng musiko, ‘di na pwede sa Pista ng Baliwag

MALUNGKOT ang darating na kapistahan ng Baliwag, Bulacan maging ang Hermano Mayor na si Jorge Allan Tengco dahil nakasanayan na taon-taon na may prusisyon at mga banda ng musiko. Ngayon ang mga dadalo sa misa ng kapistahan ay binibilang at limitado na lamang. Hindi kasi puwedeng magsiksikan sa loob ng simbahan. Kailangan pa rin ang social distancing. Tiyak na may mga magdarasal …

Read More »

Ang sa Iyo Ay Akin, malakas ang dating

MAINGAY agad ang dating ng bagong teleseryeng handog ng Kapamilya Channel. Ito iyong idinidirehe nina FM Reyes at Avel Sunpongco at pinagbibidahan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Sam Milby, at Maricel Soriano, ang Ang Sa Iyo Ay Akin. Bakit naman kasi hindi, magagaling ang bida at maganda ang itorya. Lalo siguro itong pag-uusapan kung hindi nawala ang ABS-CBN. Mas madali kasi silang mapapanood kung sa free tv. Sa unang …

Read More »

Mga palabas sa ABS-CBN, hinahanap-hanap ng mga nanay

MARAMI kaming mga kakilalang nanay ang madalang nang manood ng telebisyon ngayon. Katwiran kasi nila, puro replay na ang palabas. Dagdag pa na wala na ang mga paborito nilang artista at istoryang napapanood nila. Ang tinutukoy nilang mga programang sinusubaybayan ay mga teleserye mula ABS-CBN. Nakalulungkot lang talaga na ang simpleng nagbibigay kasiyahan sa mga tulad nila’y nawala pa lalo ngayong …

Read More »

Basurero ni Jericho,  nasa Cinemalaya

KAHAPON, August 17 nagsimula ang showing ng short film ni Jericho Rosales sa Cinemalaya. Ito ‘yung idinirehe ni Eileen Cabiling, ang Basurero. Hindi ma-imagine ng fans ang isang lalaking kasing pogi ni Echo ay gaganap na basurero. Remember, naging dating Mr. Pogi si Echo sa Eat Bulaga. Kuwento ng actor sa panahong ito ng Covid-19, hindi kailangang mamili ng role ang mahalaga may project kang gagawin. Isang award …

Read More »

Mga artistang marunong mag-ipon, masuwerte

MASUWERTE ang mga big star at ilang artistang nakapag-impok habang kumikita ang mga pelikula at madalas ang paglabas sa telebisyon. Kahit paano kasi may nabubunot o panggastos sila sa panahong ito ng Covid-19. Mahirap iyong walang pera o walang panggastos. Mahirap umasa sa ayuda ng gobyerno. Kaya dapat sa mga artista may fall back, may ibang negosyon at huwag umasa …

Read More »

Aga, tahimik na nagdiwang ng kaarawan

KAHAPON, August  12 ang birthday ni Aga Muhlach. Unlike last year walang pabongang affair ang actor. Simple lang kasi ang buhay-showbiz niya ngayon. Nasa sariling resort sa Batangas si Aga kasama ang kanyang pamilya. Ayaw muna nilang bumalik ng Maynila para makaiwas sa Covid-19. Silang mag-anak lang marahil ang nagdiwang ng kaarawan ng actor. Kuwento ni Aga, mami-miss niyang tiyak ang …

Read More »

Vice Ganda at iba pang talent ng ABS-CBN,  welcome sa TV5

HINDI dapat ipukol ang sisi kay Vice Ganda sa pagkawala ng ABS-CBN. Hindi rin totoo na hinulaan ang pagkawala ng Kapamilya Network dahil sa pagkakaisa ng 70 kongresista na hindi bigyang pahintulot ang prangkisa. Hindi rin dahilan ang sinasabing panlalait ni Vice kaya nawala na sila sa ere. Nagkataon lang lahat. Hindi rin totoo na hindi gusto ng TV5 si Vice Ganda dahil sinabi na ni Perci Intalan  ng …

Read More »

Julia at Azenith, tahimik na tumutulong

ISA si Azenith Briones sa nag-ambag ng tulong para maipa-ospital si John Regala. Nagkasama sila noon sa pelikula at bilang isa ring actor ay nagbigay ang aktres ng tulong sa actor.   Nalaman din naming palihim ding nagbigay ng tulong si Julia Montes sa mga taga-Caloocan.   Tahimik lang si Julia na tumutulong dahil ayaw niya ng publicity. SHOWBIG ni Vir Gonzales

Read More »

Pangako ni Isko kay Kuya Germs, matutupad na

MASAYA si Mayor Isko Moreno dahil natupad ang pangako niya sa kanyang tatay tatayang si Kuya Germs, ang pagpapaayos ng Metropolitan Theater sa may Lawton.   Si Kuya Germs kasi noon ang gustong-gustong maayos iyon. At sa pagtutulungan ng Manila Mayor gayundin ni Alice Eduardo ng Jaen, Nueva, Ecija, naiskatuparan ito.   Maraming salamat kina Mayor Isko at Ms. Alice sa pagmamalasakit sa unang tanghalan ng mga bituin. …

Read More »

Willie, P5-M cash ang ipamimigay at hindi jacket

MAPALAD ang mga driver dahil bibigyan ng ayuda ni Willie Revillame ng Wowowin.   Hindi po jacket at mga pampaganda ng kutis ang ibibigay ni Willie kundi P5-M.   May suggestions kaming narinig kung bakit kailangan pang idaan sa gobyerno ang pamamahagi ng ayuda. Bakit hindi na lang idiretso sa mga Toda ng mga jeepney driver.   For sure tiyak na mas makakarating …

Read More »

John Regala, dagsa ang tulong

MABUTI naman at marami ang tumutulong ngayong may sakit si John Regala. Dumagsa ang pagbibigay sa kanya ng tulong. Nakalulungkot na noong hirap ito sa buhay wala halos ang nagbibigay ng trabaho sa kanya. At ngayon, sa awa ng Diyos sa pamamagitan nina Aster Amoyo, Nadia Montenegro, at Raffy Tulfo, sunod-sunod ang pagdating ng ayuda. Totoo ang sinabi John na kapag hindi na sikat ang …

Read More »

Allen Dizon, tuloy-tuloy ang pag-arangkada

TAMA ang hula ni late award winning director Celso Ad Castillo kay Allen Dizon na malayo ang mararating ng actor sa pag-arte. Nakakuwentuhan kasi namin noon si Direk Celso sa Siniloan, Laguna, sa shooting ng Virgin People 3 at nasabi niya noon sa amin na may potensiyal si Allen. Tama naman dahil ngayon, ilang award na ba ang natatanggap ni Allen? Ang iba nga ay mula …

Read More »

Fans ni Richard, nalungkot; ‘di kasi makapanood ng Ang Probinsyano

HALATANG kulang sa excitement ang fans ni Richard Gutierrez sa pagbabalik-Kapamilya nito sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidan ni Coco Martin. Hindi sila excited dahil sa Youtube lang ito naipalalabas at hindi sa TV o big screen. Sayang matagal pa namang hinihintay ang pagbabalik ni Richard buhat noong huling mapanood sa La Luna Sangre. Nagko-complain ‘yung iba na paano nila mapapanood ‘yung Ang Probinsyano kung wala namang Youtube ang kanilang mga …

Read More »