Aga, tahimik na nagdiwang ng kaarawan

KAHAPON, August  12 ang birthday ni Aga Muhlach. Unlike last year walang pabongang affair ang actor. Simple lang kasi ang buhay-showbiz niya ngayon.

Nasa sariling resort sa Batangas si Aga kasama ang kanyang pamilya. Ayaw muna nilang bumalik ng Maynila para makaiwas sa Covid-19.

Silang mag-anak lang marahil ang nagdiwang ng kaarawan ng actor.

Kuwento ni Aga, mami-miss niyang tiyak ang pagbati at regalo ng yumaong Tita Amalia Fuentes niya. Mahal na mahal ni Nena si Aga.

 

SHOWBIG
ni Vir Gonzales