DAHIL daw sa kahirapan na ng buhay sa Japan o kawalan na ng trabaho, ayaw na raw bumalik ng Japanese adult pornstar na si Maria Ozawa sa bansang kanyang sinilangan. Ayon sa aming source, nagpapalakad ng visa si Ozawa para makapanirahan na rito sa Pilipinas. Nakita raw kasi ni Ozawa na posible pa siyang magkaroon ng career dito sa ‘Pinas …
Read More »Echorsis star Alex Medina, heartthrob ng mga beki?
BAKIT kaya kinikilig ang karamihan sa mga beki kapag nababanggit ang pangalan ni Alex Medina? Kaya naman pala ay magiliw ito at mabait sa mga beki. Okey din daw itong makipag-usap na hindi naiilang. Si Alex ang lead star ng inaantabayanang horror-comedy film naEchorsis: Sabunutan Between Good And Evil na naging laman ng pantasya ng mga bading at sinasabing bagong …
Read More »Maliliit na movie producers, tutulungan ni Petilla
HINDI man ganoon kadalas makapanood ng pelikulang Filipino o TV show si Energy Secretary Jericho Petilla, aware naman ito sa kalagayan ng industriya. Paano’y nakakahalubilo nito ang ilan sa mga artista tulad nina Richard Gomez at Sen. Jinggoy Estrada. Si Richard ay nakasabay niya minsan sa eroplano at nakapagkuwentuhan sila. “Si Richard, taga-amin ‘yan. Tumatakbo na mayor. Si Lucy (Torres-Gomez) …
Read More »Heart, patuloy sa pag-ampon ng mga inabandonang aso’t pusa
HINDI pa rin tumitigil si Heart Evangelista sa pag-aampon ng mga inaabandonang aso’t pusa. Likas kasing maawain sa mga hayop si Heart, kaya hindi niya matiis kapag may nakikita siyang hayop na pakalat-kalat sa daan. Minsan nga nang mag-jogging ang misis ni Sen. Chiz Escudero sa UP Diliman kamakailan, may nakita siyang inabandonang pusa at hindi na ito nawala sa …
Read More »Acting ni Diet sa Bakit Manipis ang Ulap?, nakadi-disturb
NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng Viva Communications Inc., para sa isa sa mga show nilang ipalalabas ngayong February 15 sa TV5, ang Bakit Manipis ang Ulap? na pinagbibidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Meg Imperial, at Cesar Montano. Humanga kami sa ganda ng takbo ng istorya at pagkakalahad na hindi naman nakapagtataka dahil pinamunuan ito ng isa sa magaling …
Read More »Heart, tuloy ang pagpipinta kahit busy sa darating na kampanya
“I will continue,” giit ni Heart Evangelista ukol sa pagpipinta kahit nakatakda siyang tumulong sa kampanya ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero na nangunguna sa mga survey para sa vice presidential post. At kahit maging busy si Heart in the coming weeks, hindi siya titigil sa pagpipinta. “Kung mayroon akong isang dedication is I will really paint until tumanda …
Read More »Edgar, mag-aaral ng Culinary Arts sa TESDA
NASORPRESA ang youth supporters ng senatorial candidate na si Joel Villanueva sa surprise musical number na handog ni Edgar Allan Guzman noong February 9 sa Amoranto Sports Complex sa kick off ng kampanya ng senador. Kasabay nito ang pagsasabi ni Edgar na mag-aaral siya sa TESDA na pinamunuan noon ni Villanueva. “Malaking bagay po sa akin na mapalawak pa ang …
Read More »Fantaserye, teritoryo ko! — Richard
MARAMI ang humanga sa trailer ng Ang Panday na ipinakita sa bongga at engrandeng presscon nito noong Martes sa Plaza Ibarra sa Quezon City. Ito bale ang pagbabalik-TV ni Richard Gutierrez sa paggawa ng teleserye gayundin sa pagbabalik-primetime sa pamamagitan ng Viva Communications Inc., at TV5. Kitang-kita sa trailer na ginastusan at ‘di tinipid ang Ang Panday na idinirehe ni …
Read More »Julia Montes’ best face forward by Belo
BASTA artista akala ng iba ay perfect na o walang kakulangan lalo na sa hitsura dahil nakikita natin sila kung gaano kaganda. Subalit hindi ganoon si Julia Montes, isa sa maganda at talentong artista ng Star Magic at ABS-CBN’s television princesses. Bagamat maganda at bata pa, hindi raw komporme si Julia sa shape ng kanyang mukha. Kasi raw masyadong bilog …
Read More »Boyet, nainggit kay Ipe kaya tinanggap ang role na Lizardo
NAGKAKATAWANAN at niloloko si Christopher de Leon sa pagtanggap nito ng villain role sa remake ng fantaseryeng pagbibidahan ni Richard Gutierrez, sa TV5 handog ng Viva Communications Inc., ang Panday. Gagampanan kasi ni Boyet (tawag kay Christoher) ang papel ng kontrabidang si Lizardo na pinasikat sa pelikula ng late character actor na si Max Alvarado at ginampanan din ni Phillip …
Read More »Panahon ng may Tama: ComeKilig, best comedy entertainment sa Valentine
MAS okey na piliin ang isang Valentine show na tatawa, kikiligin, at may kantahan. Swak sa netizens ang prodyus na show ni Joed Serranong CCA Entertainment Productions Corp na PANAHON ng May Tama: ComeKilig. Tampok sa Panahon ng May TamaL ComeKilig sina Gladys “Chuchay” Guevarra, Ate Gay, Boobsie Wonderland, plus the special participation of Metro Manila’s hottest FM radio personality, …
Read More »Chemistry nina Shy at Mark, malakas!
NGAYONG araw na ito unang mapapanood ang tambalang Shy Carlosat Mark Neumann sa pamamagitan ng bagong handog ng Viva Communications Inc., at TV5, ang Carlo J Caparas’ Tasya Fantasya. First time magkakatambal nina Shy at Mark pero parang napaka-at-ease na nila sa isa’t isa. Paano’y may pagkamakulit at palatawa si Shy at si Mark naman ay medyo tahimik. Dating ka-loveteam …
Read More »Basketball exhibition ng showbiz personalities at PBA legends, sinuportahan ni Senatorial candidate Joel Villanueva
NAKATUTUWANG panoorin ang pagpapasiklaban sa galing ng pagba-basketball ng All Star Team at Team Trabaho noong Miyerkoles ng hapon sa Ynares Center, Pasig City. Sa exhibition basketball game na ginanap, binubuo ang All Star Team ng showbiz personalities na sina Zanjoe Marudo, Vhong Navarro, Rayver Cruz, Jayson Abalos, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Eduardo Daquuioag, Jervy Cruz, Jericho Cruz, at Mayor …
Read More »Batang nabigyan ng artificial leg ni Korina, napaluha sa saya
HINDI mailarawan ang kasiyahan ng mag-inang John James Cabahug nang tuparin ni Korina Sanchez-Roxas ang pangarap na magkaroon ng artificial na paa at makalakad ng normal. Bagamat hindi na inaasahan ni John James at ina nitong muling makakalakad ng normal dahil sa kahirapan, tila nabura ang agam-agam na ito nang makilala nila si Ate Koring. Nakilala nila si Ate Koring …
Read More »Liza, ‘di raw feel sumali ng beauty contest
MULING sasabak sa primetime ang isa sa pinakamaiinit na loveteams sa bansa, ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil mula sa matagumpay na Forevermore, narito muli sila para ipatikim ang tamis ng pag-ibig sa pinakabagong romantic drama series na Dolce Amore na mapapanood na sa simula Pebrero 5, sa ABS-CBN. “It’s a project I think almost everyone will be able …
Read More »Pasion de Amor, pinakapinanonood tuwing weekdays
MAS titindi pa ang mga emosyon, liliyab pa ang mga pasabog, at tiyak mas pakatututukan ng manonood ang mga kaganapan sa nalalapit na pagtatapos ng pinakamainit na serye sa primetime ngayon, ang Pasion De Amor. Patuloy na tumitibay ang samahan at mas nabubuo ang tiwala sa isa’t isa nina Juan (Jake Cuenca), Oscar (Ejay Falcon), Franco (Joseph Marco) Norma (Arci …
Read More »8 OPM hitmakers magsasama-sama sa #LoveThrowback Valentine concert
NAKATUTUWANG mapanood na magsasama-sama ang walong OPM hitmakers sa isang konsiyerto, ito ay sa pamamagitan ng #LoveThrowbacksa February 13, 8:30 p.m. PICC Plenary Hall. Tampok sa #LoveThrowback si na Rico Puno, Marco Sison, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Chad Borja, Wency Cornejo, Roselle Nava, at Nina. Hindi lang magbabalik-tanaw sa mga magagandang musika noong dekada ’80-’90 ang mangyayari sa concert kundi …
Read More »JM, never nagka-tantrum sa Tandem
PURING-PURI ng buong cast gayundin ng director ng Tandem si JM de Guzman, isa sa bida ng napapanahon at de-kalidad na pelikula kasama si Nico Antonio dahil sa napakagaling na performance nito sa pelikula. Itinanghal kasing Best Actor si JM sa nakaraang Metro Manila Film Festival New Wave category. Sinabi ni Nico na wala raw siyang na-experience na problema kay …
Read More »Pinaganda at pinalaking Wattpad Presents at MTV Top 20 Pilipinas, mapapanood na sa TV5
MARAMI nang pinasaya at pinakilig sa limang unang season ang Wattpad Presents sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga masasayang kuwento ng pag-ibig na tinatampukan ng iba’t ibang bituin. Ngayong 2016, inihahandog ang Wattpad Presents mula sa Viva Communications Inc. at TV5 sa bagong season na matutunghayan simula Sabado, Pebrero 6, 9:00-10:30 p.m.. Unang matutunghayan sa Wattpad Presents ang Avah Maldita …
Read More »3 magkakaibang karakter, gagampanan ni Richard sa Ang Panday
NA-EXCITE kami sa mga pagbabagong magaganap sa bagong TV version ng Ang Panday na pagbibidahan ni Richard Gutierrez at mapapanood sa TV5 sa Pebrero 29 handog ng Viva Communications, Inc.. Ayon kay Direk Carlo Caparas nang makatsikahan namin ito kasama ang kanyang butihing maybahay na si Donna Villa,tatlong magkakaibang karakter ang gagampanan ni Richard sa pagbabalik ng pinakasikat na komiks …
Read More »Maynila, sentro ng sining — Bagatsing
HINDI mawala ang aming paghihinayang sa tuwing nadadaan saMetropolitan Theater sa Maynila dahil matagal-tagal din itong naging bahay ng paborito naming show noon, ang VIP Live (Vilma in Person) niGov. Vilma Santos. Kaya naman natuwa kami nang sabihin ni Rep. Amado Bagatsing na isa sa mga plano niya kapag nahalal na Mayor ng Maynila ang revival at reconstruction ng Metropolitan …
Read More »Daniel at Kathryn, hinahanap-hanap ang sugpo at alimango ng Capiz
KAMANGHA-MANGHA ang espesyal na report ni Korina Sanchez-Roxas ukol sa mahiwagang isla ng Biringan, sa Samar sa nakaraang episode ng Rated K. Talagang pinag-usapan ang istoryang ikinuwento ni Koring dahil matagal nang pinaniniwalaan ng ilang mga taga-Visayas ang misteryong bumabalot sa islang ito. Ayon sa sabi-sabi may isang lagusan sa ibang dimensiyon sa isla ng Biringan. Marami ang nagpapatotoo sa …
Read More »Blessing ang pagkakasama namin sa concert nina Martin at Regine — Erik
“I PAAALAM namin kapag kami na,” ito ang tinuran ni Erik Santos sa presscon ng Royals na handog ng Starmedia Entertainment and I-Music Entertainment nang tanungin ang singer ukol sa tunay na relasyon nila ni Angeline Quinto. Kasabay ng pagsasabing mas gusto niyang maging pribado ang kung anuman ang mayroon sila sa kasalukuyan ni Angeline. “Kasi mahirap talaga, sa rati …
Read More »Tubig at Langis, pinaka-challenge na teleserye kay Isabelle
HANDA na raw magpakasal si Isabelle Daza sa kanyang French boyfriend na si Adrien Semblat. Ang problema nga lang, hindi pa ito nagyayaya. Ito ang sinabi ng aktres sa presscon ng Tubig at Langis na mapapanood na sa Pebrero 1, Lunes sa ABS-CBN kasama sina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes. Napag-usapan ang ukol sa kasal dahil ikakasal na (o baka …
Read More »Yassi, positive sa YanDre loveteam kahit may Barbie pa!
AMINADO kapwa sina Yassi Pressman at Andre Paras na pressure sila dahil pinagkatiwalaan sila ng Viva Films para magbida sa Girlfriend For Hire. Sa mga nauna kasi nilang pelikulang ginawa ay marami silang bida. “Sa totoo lang, sobrang nakaka-pressure,” ani Yassi. ”Rito pa lang po sa industriya, sa pagiging artista, ang laki na po ng pressure, lalo na kung mabigyan …
Read More »