Saturday , July 27 2024

Kapuso stars, rumampa rin sa Star Magic Ball red carpet

HINDI ito ang unang pagkakataon na may mga artista mula sa ibang network ang rumampa at dumalo sa Star Magic Ball. Taong 2011 nang rumampa sa Star Magic Ball red carpet si Lovi Poe kasama ang noo’y BF na si Jake Cuenca.

Ngayong taon, ang dating alaga ng Star Magic na sina Heart Evangelista at Kristine Hermosa na ngayo’y Kapuso star na ang dumalo sa pagtitipon.

Kasama ni Evangelista ang kanyang asawang si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero samantalang si Hermosa naman ay ang kanya ring kabiyak na si Oyo Sotto.

Nakasuot na simpleng-eleganteng kulay itim, strapless gown si Evangelista, samantalang isang sophisticated, figure-hugging navy blue gown naman si Hermosa.

Dumalo rin Kapuso star na si Janine Gutierrez kasama ang sinasabing BF na si Rayver Cruz gayundin sina Megan Young at Mikael Daez.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *