Thursday , December 26 2024

hataw tabloid

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na paratang at alegasyon laban sa lokal na pamahalaan ng Quezon City. Ngunit mukhang nag-backfire ito kay Defensor dahil sa kontrapunto ni Quezon City Spokesperson Pia Morato, na nagmistulang katatawanan ang mismong nag-akusa. Ayon kay Defensor, kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang kairalan ng pandemic …

Read More »

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

Bongbong Marcos

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna ng kumakalat sa social media na plano niyang ipamahagi ang mga ito sa taongbayan kapag siya’y nanalo sa darating na halalan sa Mayo. “Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakita ng gold na ganyan. Marami akong kilala na kung saan saan naghuhukay pero ako …

Read More »

Mr. Malasakit KON.BOBBY ESTRELLA

Bobby Estrella

MULA sa pagiging Punong Barangay ng Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan ay tinahak niya ang landas upang maglingkod sa Sangguniang Bayan. Nasa unang termino ng panunungkulan si KON.BOBBY ESTRELLA kung saan siya ay masigasig na nakikibahagi sa mga gampaning panglehislatura o paggawa ng mga panukalang batas at ordinansa na pangunahing gampanin ng isang KONSEHAL NG BAYAN. Siya ang tagapangulo ng Lupon …

Read More »

Sa Presidential interview
PING SAKALAM
Ibang kalahok plakda

012422 Hataw Frontpage

HATAW News Team NAKUHA ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang atensiyon at paghanga ng mga manonood at maging ng netizens na tumutok sa halos dalawa at kalahating oras ng programang Jessica Soho Presidential Interviews na napanood nitong Sabado ng gabi sa telebisyon at social media platforms. Mistulang pinakain ng alikabok ni Lacson ang ibang lumahok na presidentiables sa …

Read More »

Supporters ng ibang kandidato lumipat na kay Robredo

Leni Robredo

SA TULONG ng magandang pakita ni Vice President Leni Robredo sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” maraming supporters ng ibang kandidato sa pagkapangulo ang pumanig na sa kanya. Sa panayam, iniharap ni Robredo ang kanyang posisyon sa iba’t ibang isyu, gaya ng pandemya, pagbangon ng ekonomiya, peace and order, kahirapan at iba pa. Dahil sa malinaw na direksiyon ni Robredo, …

Read More »

2M+ residente bakunado na — Quezon City

Covid-19 Vaccine, Quezon City, QC

MAHIGIT dalawang milyong (2M+) residente ng Quezon City (QC) ang “fully vaccinated” o bakunado na, at dalawang milyong katao pa ang naturukan na ng “first dose.” Ito ang iniulat ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) nitong Linggo, ang 2,118,430 indibiduwal (may mga edad at kabataan) ay mga bakunado na, kabilang ang mga nabigyan ng isang bakuna na Janssen. …

Read More »

#MarcosDuwag nag-trending

BBM Bongbong Marcos

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at hindi nagpaunlak ng panayam sa award-winning journalist na si Jessica Soho. Kabilang sa nag­paunlak sina Vice President Leni Robredo, Senador Panfilo Lacson, Manny Pacquiao at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ang interview ay ipinalabas noong Sabado ng gabi sa …

Read More »

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) sa panawagan ni Senator Leila de Lima na ipasa ang dalawang panukalang batas pabor sa muling pagbuhay ng prangkisa ng ABS-CBN. Una nang nanawagan si De Lima, sa Kamara na ipasa ang dalawang panukalang batas na layong maiwasan ang pagkakaroon ng expiration ng mga prangkisa …

Read More »

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban
HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

DUMARANAS ng banta sa kanyang seguridad ang isang news reporter ng HATAW D’yaryo ng Bayan na nakabase sa lalawigan ng Rizal dahil sa kuha niyang video sa isang insidente ng pananambang sa Rodriguez (Montalban), nitong Martes ng umaga, 18 Enero 2022. Sa huling algorithm, umabot sa 1.3 milyon ang views ng nasabing video at may 8.5k reactions, comments & shares, …

Read More »

Netizens kumbinsidong ‘kakampinks’ sina Heart, Nadine

Heart Evangelista Leni Robredo Nadine Lustre

WALANG dudang Kakampinks sina Heart Evangelista at Nadine Lustre. Ito ang nagkakaisang paniwala ng mga netizen matapos mag-post ang dalawa tungkol kay Vice President Leni Robredo sa kani-kanilang social media accounts. Sa kanyang Instagram account, nag-post ng video si Evangelista na nagsusukat ng mga pink na damit na sinamahan niya ng caption na, “On Wednesdays we wear pink.” Ang pink ay inuugnay kay Robredo, na ang mga …

Read More »

Batangas forum at FDCP nagdaos ng filmmaking workshop series para sa mga Batangueño

FDCP Film Talks Batangas Forum Doon Po Sa Amin Pride

MULA sa Batangas Forum for Good Governance and Development Association, Inc. (BF), sa tulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), inilunsad ang isang serye ng online workshop na tumatalakay sa mga batayang kaalaman sa paggawa ng pelikula sa pamamagitan ng FDCP Film Talks @ Doon Po Sa Amin Pride Campaign na gaganapin sa lahat ng Sabado ng Enero ngayong taon. Ang creative videography workshop series …

Read More »

Sa Tacurong, Sultan Kudarat
DepEd SUPERVISOR PATAY SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

Sa Tacurong, Sultan Kudarat DepEd SUPERVISOR PATAY SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

PATAY ang isang opisyal ng Department of Education habang sugatan ang kaniyang asawa nang tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Purok Katilingban, Brgy. San Pablo, lungsod ng Tacurong, lalawigan ng Sultan Kudara, nitong Lunes ng gabi, 17 Enero 2022. Kinilala ni P/Lt. Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong PNP, ang napaslang na biktimang si Javier Kumandi, Sr., 55 anyos, …

Read More »

Sympathizer ni Bayali
LALAKI ‘NANLABAN’ TODAS SA SAGUPAAN

dead gun

PATAY ang isang lalaking sympathizer ni Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, matapos makipagbarilan laban sa mga pulis at sundalo sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes, 17 Enero. Si Gomez, isang sympathizer o sumusuporta kay Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, isa sa mga responsable sa mga bomb threat at mga insidente ng pangingikil sa Basilan. Ayon …

Read More »

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng pana­hon.   Taglay niya ang walang talong karta at pamoso sa kanyang depen­sa na walang makapasok na kahit sinong boksingero. Bukod sa kanyang naging makulay na career, dalawang bagay ang gusto pang malaman ng kanyang fans tungkol sa kanyang personal na buhay at ang status ng …

Read More »

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De Guzman ng Cainta, Rizal, at International Master Cris Ramayrat, Jr., ng Pasig City sa pagtulak ng virtual Sen. Koko Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament na susulong sa 21 Enero 2022, 7:00 pm, ilalarga sa Lichess Platform. Lalahok din sa prestihi­yosong torneo sina Fide Master Nelson …

Read More »

Asawa, anak pinaslang, pulis nagkitil

Gun Fire

TINAPOS ng isang alagad ng batas ang kanyang sariling buhay matapos barilin ang kanyang misis at 3-anyos anak sa kainitan ng pagtatalo ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Virac, lalawigan ng Catanduanes, nitong Sabado ng umaga, 15 Enero. Itinago ni P/Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5 PNP, ang suspek sa alyas na Jay, 25 anyos, aktibong …

Read More »

Kapwa miyembro Anakpawis
2 SENIOR CITIZENS BINISTAY PATAY

dead gun

DALAWANG senior citizen na miyembro ng Anakpawis Sorsogon ang napaslang matapos pagba­barilin ng mga hindi kilalang salarin sa Brgy. San Vicente, bayan ng Barcelona, lala­wigan ng Sorsogon, nitong Sabado ng umaga, 15 Enero. Nabatid na nagmama­neho ng tricycle ang 70-anyos na si Silvestre Fortades, Jr., at sakay niya ang kinakasamang si Rose Maria Galias, 68 anyos, nang maganap ang insiden­te. …

Read More »

3 preso pumuga sa Bilibid

nbp bilibid

TATLONG preso (persons deprived of liberty) ang iniulat na nakatakas sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) kaninang 1:00 ng madaling araw, Lunes, 17 Enero. Sa naunang mga ulat, sinabing tumalon ang tatlong pugante sa path walk at pinaputukan ng baril ang jail guards sa Gate 3 at 4. Dinala sa ospital ng Muntinlupa ang tatlong sugatang guwardiya …

Read More »

Belmonte naglabas ng mga alituntunin para masawata ang hawaan ng Covid-19

Joy Belmonte

SA muling pagsipa ng hawaan at pagdami ng kaso ng mga nagkaka-COVID-19 dala ng bagong uri nito na  Omicron variant, nagpalabas ng mga bagong alituntunin si Quezon City Mayor  Josefina “Joy” Belmonte upang masawata ang hawaan at mapangalagaan ang mga taong nakakuha ng virus sa lungsod. Sa ilalim ng Memorandum No. 04-22 Guidelines for Community Case Management for COVID-19 Program, …

Read More »

#WalangPasok

walang pasok

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, inanunsiyo ng DepEd National Capital Region ang suspensiyon ng mga klase mula 15 Enero hanggang 22 Enero. Tanging mga publikong paaralan lamang ang sakop ng anunsiyo ng DepEd NCR, samantalang nasa pagpapasya ng pamunuan ng mga pribadong paaralan kung susunod sila sa Memorandum ng Kagawaran. #WalangPasok

Read More »

FABREGAS INENDOSO SI LENI
(Nanawagan sa mga kapwa Bicolano mag-recruit ng mas maraming supporter para kay Robredo)

Jaime Fabregas Leni Robredo

INENDOSO ni Jaime Fabregas ang pagtakbo bilang pangulo ng kapwa Bicolano at Bise Presidente Leni Robredo kasabay ng paghikayat sa mga kalalawigan na aktibong mag-recruit ng mas marami pang mga tagasuporta para matiyak na ang susunod na pangulo ng bansa ay mula sa Bicol Region. “Iparamdam natin sa buong Pilipinas ang galing, lakas, at pusong Bicolano. Ipakilala natin sa kapwa Filipino …

Read More »

Public and private school, online & face-to-face
KLASE SA MAYNILA SUSPENDIDO

Isko Moreno Honey Lacuna

INIANUNSIYO nina Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna Pangan ang health break para sa lahat ng antas mula elementarya hanggang kolehiyo sa pribado at pampublikong mga paaralan simula 14 Enero hanggang 21 Enero 2022. Kabilang sa health break ang parehong online at face-to-face classes sa buong lungsod. Ani Domagoso, isinulong ang health break sa lungsod …

Read More »