ni Reggee Bonoan Naaliw kami sa pelikulang ABNKKBSNPLAko dahil naalaala namin noong kami ay nasa elementarya at hay-iskul lalo na sa mga kalokohan nina Jericho Rosales bilang si Roberto ‘Bob’ Ong, Meg Imperial, at Vandolph Quizon na katulad din ng ginawa namin noon na mahilig ding mam-bully at maglakwatsa, bukod pa sa nahuli rin kaming natutulog o kaya ay dumadaldal …
Read More »Friendship nina Anne at Angelica, ‘di apektado ng nangyari kay Lloydie
ni Roldan Castro HINDI naapektuhan ang friendship nina Anne Curtis at Angelica Panganiban kahit nagkaroon ng eskandalo sina Anne at John Lloyd Cruz. Kambal pa rin ang turingan nila at tawagan. Sa Instagram ay binati pa ni Angelica si Anne ng happy birthday na magkasama sila sa picture. Nagparamdam din ang dalawa na miss na nila ang isa’t isa. Talbog!
Read More »Osang, idinamay ang pamilya Revilla sa kulong issue
ni Roldan Castro KARAPATAN ni Rosanna Roces na liwanagin ang ‘kulong’ isyu sa kanya pero ang nakakaloka bakit pati ang pamilya Revilla ay pinagbubuntunan niya ng galit at kung ano-ano na naman ang banat niya sa kanyang Facebook Account ? Inaano ba siya ng mga Revilla para idamay na naman sa isyu niya? I’m sure dedeadmahin lang ito nina Senator …
Read More »DA, NFA puro pangako — KMP (Presyo ng bigas sumirit na sa P40)
Pangakong napapako at kabi-kabilang palusot ang inihahain ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa nagugutom na Filipino sa gitna ng pagkakatala ng bago na namang pinakamataas na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa, sa pangalawang pagkakataon sa buwan na ito ng Pebrero. Sa kabila ng paulit-ulit na pangakong sapat ang suplay ng bigas, ginagamit ngayon …
Read More »Biyuda ni tado nagpakalbo vs iregularidad sa Florida, LTFRB
SINUGOD kahapon ng biyuda ni Arvin ‘Tado’ Jimenez, kasama ang Dakila Group, ang opisina ng GV Florida Transport bilang protesta sa pagpapabaya sa mga biktima ng ‘lumipad’ na bus patungong Bontoc, dalawang linggo na ang nakararaan. Nagpakalbo si Lei Jimenez, bilang protesta laban sa inhustisya sa mga biktima sa nasabing insidente. Habang ginugupit ang buhok ni Lei, isinisigaw ng mga …
Read More »51.9-M Yen kompiskado sa Japanese
51.9-M YEN. Ipinakikita nina Bureau of Customs-Enforcement Security Services Director Gen. Willie Tolentino at BoC-NAIA District Commander, Lt. Regie Tuazon ang 51.9-M Japanese Yen na dala ng Japanese national na si Yoshiaki Takahashi matapos harangin sa NAIA Terminal 1 ng tauhan ni Customs Police Division, NAIA District Commander, Lt. Sherwin Andrada bunsod ng paglabag sa Tariff and Customs Code …
Read More »Cyber libel suportado ni PNoy
SUPORTADO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang sang-ayon sa Saligang Batas ang Cyber Libel na nakapaloob sa Cyber Crime Prevention Law. Sa harap ito ng pangamba ng ilang online journalists, netizens, at bloggers na mahilig magkomento sa Twitter at Facebook, dahil pagsupil anila ito sa karapatan sa pamamahayag. Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi …
Read More »Turista sa Bora todas sa AIDS
KALIBO, Aklan – Isang dayuhang turista ang namatay dahil sa sakit na HIV-AIDS infection habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay. Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon, Jr., ng Provincial Health Office (PHO), isang lalaki ang naturang foreign national na namatay sa sakit. Hindi na ibinunyag ng PHO ang pagkakakilanlan ng AIDS victim para sa proteksyon ng biktima at ng kanyang pamilya …
Read More »2 patay P8-M naabo sa Taguig fire
Dalawa ang patay at tinatayang P8-M ang naabong ari-arian, sa naganap na sunog sa isang residential area sa Mindanao Avenue, Maharlika Village, Taguig City, Martes ng gabi. Hindi umabot ng buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Pakirim Kudarat, 61, nang ma-trap sa loob ng kanyang bahay at nakita kahapon ng umaga sa ilalim ng lababo ang bangkay ni …
Read More »Waitress nilamutak ng X-ray tech sa Boracay
KALIBO, Aklan – Inireklamo ng isang waitress ang X-ray technologist sa isang clinic sa isla ng Boracay. Ito ay dahil sa sina-sabing pambabastos sa kanya ng suspek sa loob ng X-ray room matapos siyang maghubad ng kanyang damit. Ayon sa biktima, nagpa-X-ray siya bilang isa sa requirements sa kanyang trabaho bilang waitress sa isla. Base sa report ng Boracay Tourist …
Read More »Honda CRV inabandona sa karinderya
INABANDONA ng tatlong hinihinalang karnaper ang isang Honda CRV sa tapat ng isang karinderya sa Paco, Maynila, kamakailan. Sa ulat kay S/Insp. Rommel Evangelista Geneblazo, hepe ng Anti-Carnapping Investigation Section ng Manila Police District, dakong 5:00 a.m. nitong Pebrero 15, isang Ma. Christina Hovario, ng 1389 Canuza cor. Gernale streets, ang nakakita sa puting Honda CRV (REG-613) nasa harap ng …
Read More »Tserman napikon sa tambutsong maingay, nag-amok
DAGUPAN CITY – Dahil sa pagkapikon sa mai-ngay na tambutso ng motorsiklo, namaril ang isang punong barangay ng bayan ng Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan. Hindi napigilan ng nagrorondang kapitan na si Jessie De Vera ng Brgy. Guiguilonen sa nabanggit na bayan, na paputukan ang magkaibigang sina Jason Muerong at Jordan Cabatlig, kapwa residente rin sa lugar matapos sitahin ang …
Read More »2 sorbetero kalaboso sa ‘dirty ice cream’
SA KULUNGAN nagwakas ang 10-taon pagkukumpare ng dalawang sorbetero nang hindi maawat sa pagsusuntukan matapos mag-asaran at magkapikonan tungkol sa mga tinda nilang sorbetes sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Nagsimulang masaya pero nauwi sa solian ng kandila ang tagayan ng magkumpareng sorbetero na kinilalang sina Dennis Demio, 47, putok ang ulo; at Joel Rondina, 47, kapwa residente ng …
Read More »2 heneral lumusot sa CA (Sangkot sa Burgos at Morong 43 cases)
LUMUSOT sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kontrobersyal na heneral na si Eduardo Ano, sinasabing may kaugnayan sa pagkawala ni Jonas Burgos. Kahapon ng umaga, kinompirma ng committee on national defense ng Commission on Appointments ang promosyon ni Ano bilang Major General. Lusot din ang promosyon bilang Major General ni Gen. Aurelio Baladad, bagamat nakwestyon ang kanyang tatlong pending …
Read More »Motel sa Pasig walang permit
TINULIGSA ng mga residente ng Lungsod ng Pasig ang pagtatayo ng motel sa kanto ng Shaw Boulevard at Danny Floro Streets, Barangay Orambo, nang walang building permit at kawalang aksyon ng city government. Ayon sa source, ang itinatayong motel ay pag-aari ng Bloyue Mica Inc., ang namamahala sa Nice Hotel, na may puwesto rin sa panulukan ng EDSA at Shaw …
Read More »Carla, nagmaldita na naman
ni Roldan Castro UMANDAR na naman ang pasimpleng kamalditahan ni Carla Abellana sa press kaya nakatapat siya nang sagot-sagutin siya ng isang katoto sa presscon ng Third Eye na showing sa February 26. Nagsimula siguro ‘yun sa tanong ng press kung nagkakalabuan na ba sila ni Geoff Eigenmann? Wala kasi itong mai-share sa nangyari sa kanila noong Valentine’s Day nang …
Read More »Ano nga ba naman ang halik?! — Deniece
ni Ed de Leon “E H ano ba naman iyong halik,” ganyan ang naging sagot ni Deniece Cornejo sa isang TV interview sa kanya matapos siyang tanungin tungkol sa CCTV footage na nakuha mula sa kanyang condo building na nakitang hinahalikan siya ni Cedric Leenang makabalik sila roon matapos na mabugbog at maipa-blotter nila si Vhong Navarro. Iyong interview na …
Read More »Michael, ‘di lang Olympic wonder, TV star na rin
ni Ed de Leon KUNG sa bagay, hindi na rin naman iyan ang top issue. Kung ano man ang usapan sa showbiz, natakpan na iyon ng 19th place finish ni Michael Christian Martinez sa Sochi Olympics. Winter Olympics lang iyan, pero ang paghangang nakuha ni Michael, hindi lamang sa mga Pinoy kundi maging sa iba pa sa buong mundo,dahil bukod …
Read More »Jericho, epektibong komedyante sa ABNKKBSNPLAko?
ni ROMMEL PLACENTE NAPANOOD namin ang comedy film na ABNKKBSNPLAko? (Aba, Nakakabasa Na Pala Ako), mula sa Viva Films na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Meg Imperial, Vandolph Quizon, at Andi Eigenmann. In fairness, maganda ang pelikula, nagustuhan namin ito, huh!. Hindi na kami nagtataka kung bakit nakakuha ito ng Graded A mula sa Cinema Evaluation Board. Ang pelikula ay base …
Read More »Pag-hello ng underwear ni Coleen, nakunan
ni Alex Brosas NASILIPAN si Coleen Garcia noong Valentine’s Day presentation ng It’s Showtime. Nakunan ng photo si Coleen na kita ang kanyang underwear at kalat na kalat ito sa social media. Kasi naman, isang napakaikling skirt ang suot niya noon kaya naman nakunan siya ng photo. Is she aware of her photo scandal? What is her reaction on …
Read More »Dalawang aktor, isasali sa gay celebrity edition
MALAKAS na malakas ang usapan tungkol sa dalawang male stars na dapat daw isali sa contest ng mga bakla sa telebisyon, kung magkakaroon nga iyon ng “celebrity edition”. Pero palagay namin hindi naman papayagan iyon dahil silang dalawa ay pareho ring nasa network na iyon. Isipin mo,isang sikat na leading man mo, at isang hopeful na maaaring maging leading man …
Read More »Kawawang Deniece, pati vaginal discharge ay iniintriga!
‘Yan ang mahirap kapag branded ka ng nega. Lahat na lang yatang aspeto ng iyong pagkatao ay paglalaruan ng working press. Nakaiirita namang tunay ang latest bulletin on Deniece Cornejo kung saan pati discharge supposedly sa focal point ng kanyang pagkakababae na smelling somewhat fishy because she once was afflicted with bacterial vaginosis ay buong ningning na nasusulat. Hahahahahahahahahaha! Ang …
Read More »Social networking sites, online freedom of expression inutil sa Pinas
ONLI in da Pilipins lang talaga! Mantakin ninyo i-UPHOLD ng Supreme Court ang online libel?! Constitutional daw ang online provision sa Cybercrime Law o Republic Act 101-75 (Cybercrime Prevention Act of 2012). Binigyang-diin ni SC spokesperson, Atty. Theodore Tae ‘este’ Te, sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, ang online libel ay para lamang sa orihinal na author o …
Read More »PMA Cavalier awards goes to…
KAMAKAILAN lamang sa selebrasyon ng ika-23 anibersaryo ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), iniuwi ng Quezon City Police District (QCPD) ang pinakamataas na parangal laban sa apat pang distrito ng pulisya sa Metro Manila. Kumbaga, ang parangal ay katumbas ng “best police district” para sa taon 2013 hanggang 1st quarter ng taong kasalukuyan. Pinarangalan ang QCPD dahil sa hindi …
Read More »Reklamo vs ‘illegal’ UV Express terminal sa Munoz
MADALAS daw ang gulo ngayon diyan sa may area ng Munoz sa tapat ng Walter Mart kung saan lagingnagkakagirian ang mga tsuper ng bus at UV Express vans na biyaheng Novaliches. Ayon sa ilang nagrereklamo, madalas daw na nagsisimula ng gulo ang kampo ng mga UV Express driver dahil kung hindi babatuhin, sinisira nila ang ilang bahagi ng bus na …
Read More »