21 baboy nalitson sa sunog

ILOILO CITY – Umaabot sa 21 alagang baboy ang nalitson sa nangyaring sunog sa Brgy. Maribong, Lambunao, Iloilo.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, unang nasunog ang isang bahay na pag-aari ni Rosalia Linggaya at kumalat ang apoy sa katabing piggery na nasa likod lamang ng kanyang bahay.

Ang piggery ay pag-aari ng isang Melchor Enriquez.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, sa linya ng koryente nagmula ang apoy.