CATEEL, Davao Oriental – Hindi napigilan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang paglalabas ng galit sa National Electrification Administration (NEA) at Department of Budget and Management dahil hindi pa naibabalik ang supply ng koryente sa ilang lugar sa Davao Oriental. Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulong Aquino, nakarating sa kanya ang reklamo ng ilang residente na wala pa silang …
Read More »2 Tsekwa tiklo sa shabu
NAKAPIIT ngayon sa Pasay City Jail ang isang Chinese national at isang Tsinoy, matapos mahulihan ng isang kilong shabu sa parking area ng isang hotel sa Pasay City, Biyernes ng gabi. Ayon kay Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay Police, kinilala ang mga suspek na sina James Oy, 29-anyos, Filipino-Chinese at Chinese na si Peng Wang, 37. Ani Chief Sr. …
Read More »HS stud 7 beses tinurbo ni sir (Kapalit ng P150.00)
NANGANGANIB na masibak sa tungkulin ang isang 21-anyos titser, matapos akusahan ng pangmomolestiya ng isang 14-anyos estudyanteng lalaki, makaraang pitong beses turbuhin ang likod nito sa Navotas City, ilang araw na ang nakararaan. Pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Arnel Palma, 21-anyos, titser sa Pattern High School sa Malabon City, residente ng Los Martirez, St., Brgy. San Jose, Navotas City, …
Read More »2 billboard technician nalapnos sa koryente
NAGA CITY – Nalapnos ang katawan ng dalawang electrical technician matapos makoryente sa Pili, Camarines Sur. Kinilala ang mga biktimang sina Irvin Lumaad at Roberto Rivera. Nagkakabit ang dalawa ng billboard nang aksidenteng madikit sa live wire ang kanilang hinahawakang kable. Nangisay at nahulog sa lupa ang dalawa at agad naitakbo sa ospital. Dumanas si Lumaad ng first degree burn …
Read More »Ex-parak, 6 pa huli sa drug raid sa Naga
LEGAZPI CITY – Inihahanda na ang kasong isasampa sa isang retiradong pulis at anim iba pang nadakip sa drug raid ng mga awtoridad sa Naga City. Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong haharapin nina dating police officer Noel Balla, Jr., Anthony Talagtag, 31; Harold Talan, 32; Oscar Coloma, 32, ng Zone 2, …
Read More »Selosong mister utas sa ikatlong suicide try
NATULUYAN sa ikatlong pagpapakamatay ang 27-anyos mister sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang bahay sa Brgy. Tarcan, Baliwag, Bulacan kahapon. Ang biktimang dalawang beses nang nabigo sa pagpapakamatay ay kinilalang si Alexander Ignacio ng Sitio Mulawing Matanda, sakop ng nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pakikipagtalo ang biktima sa kanyang misis dahil sa matinding selos sa hinalang …
Read More »Waiter tumalon sa jeep, kritikal (Bag tinangay ng snatcher)
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 24-anyos waiter matapos tumalon mula sa pampasaherong jeep nang agawin ng snatcher ang kanyang bag sa Marikina City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Micheal Atencio, nakatira sa Ipil St., Marikina Heights sa lungsod. Ayon sa ulat, dakong 11:30 p.m. lulan ang biktima ng pampasaherong jeep na may rutang Cubao-Montalban, nang pagsapit …
Read More »Maanomalyang bidding sa LRT-MRT ticketing proj pinaiimbestigahan kay PNoy
HINILING kahapon ng National Coalition of Consumer Groups kay Pangulong Benigno Aquino III na imbestigahan ang maanomalyang bidding na isinagawa ng Department of Transportation and Communication (DoTC) sa LRT-MRT ticketing project. Kaugnay nito, nangangamba ang consumer groups na ang nasabing maanomalyang bidding ay makaaapekto sa tiwala ng mga investor at sa iba pang bidding ng government private-public partnerships. Ayon kay …
Read More »18-anyos rapist arestado
KALABOSO ang 18-anyos lalaki sa kasong apat counts ng rape kamakalawa ng hapon sa Tanay, Rizal. Kinilala ni Supt. Noel Versoza, hepe ng Morong Police, ang nadakip na si Harry Rabusa y Jaramilla, nakatira sa Manila East Road, Brgy. Bagong Bayan, Pililla Rizal. Dakong 12:30 p.m. nang arestuhin ng mga tauhan ng Tanay PNP ang suspek sa bisa ng warrant …
Read More »LTFRB-CAR panagutin sa GV Florida incident!
HULI man ang dating ng LTFRB sa hakbanging ginagawa ngayon laban sa GV Floridad lines, well masasabing kahit paano ay okey pa rin. Lamang naroon pa rin iyong ugaling Pinoy na huli na kung kumilos. Kung hindi pa nangyari ang trahedya sa Bontoc, Mt. Province, marahil hanggang ngayon pabukol nang pabukol pa rin ang bulsa ng ilang taga-LTFRB, este, namamayagpag …
Read More »Anong EDSA Revolution?
MAWALANG galang na po sa mga nakipag-PICNIC, este sumali pala sa EDSA People Power Revolt 28 taon na ang nakararaan. Naisahan po tayong lahat. Kung tutuusin, pawala na talaga sa poder ang Apo Ferdie Marcos noong mga panahong ‘yon. Malala na rin ang sakit ng diktador. Hindi ba’t dalawang taon matapos lumayas ang pamilya Marcos ay namatay din siya sa …
Read More »Mga kolektor ng police districts at CIDG units
MGA de-unipormeng pulis na hinihinalang may ilegal na pasugalan at ang mga pulis na nangongolekta ng perang padulas para sa ilang opisyal ng pulisya sa Metro Manila ang bumida sa kolum na ito noong Martes. Habang nakaantabay ang Firing Line sa magiging aksiyon ng awtoridad o reaksiyon mula sa National Capital Region Police Office at Criminal Investigation and Detection Group …
Read More »28-taon, 28 personalidad ng EDSA People Power!
He who pursues righteousness and love finds life, prosperity, and honor.—Proverbs 21:21 IKA-28 taong anibersaryo ngayon ng EDSA People Power. Parang kailan lang, binalot tayo ng diktadurya ngayon ay tinatamasa natin ang matamis na kalayaan. Ang tema ng pagdiriwang ng EDSA 28 ay “kapit bisig tungo sa pagbabago” *** PERO alam n’yo rin ba may 28 key personalities lamang ang …
Read More »Customs examiners/appraisers masasabit sa rice importation
BUREAU of Customs Assessors and Examiners are now in hot water regarding the issue of rice smuggling. Pinaiimbestigahan kasi ng Senado kay Customs Commissioner Sunny Sevilla ang lahat ng pumasok na bigas sa nakaraang dalawang taon at panagutin ang mga taong pumirma at nagproseso sa import entry nito. My question is why and what did they do wrong? ‘E hindi …
Read More »Senators wala talagang ethics o iwas pusoy? (Sa pagbubuo ng Senate Ethics Committee)
MARAMING Senador daw ang gustong buuin na ang Senate Ethics Committee … Ang problema ‘alang gustong mamuno sa nasabing committee. Dahil dito, sabi ni Senate President Franklin Drilon, mas mabuti raw na mag-concentrate na lang sa paggawa ng batas ang mga Senador, kasi ‘yan naman ang trabaho nila bilang mambabatas. Mayroon nga kasing suhestiyon si Senator Tito ‘insertion’ Sotto na …
Read More »SM MoA security super palpak
KADA weekend ay mayroon ginaganap na International PYROTECHNIC competition/display sa SM Mall of Asia. Nitong nakaraang weekend ay ilang kamaganak natin ang mga nanood sa nasabing event. Pero hindi natin nagustuhan ang mga nangyari batay sa sumbong na ipinarating sa atin. Mayroon kasing ilang foreigner sa harap ng New Orleans Restaurant na nagkainitan dahil mayroon umanong nakaharang kaya natatakpan ang …
Read More »Truckers, pulis nagkagirian sa protesta vs truck ban
NAGKAGIRIAN ang grupo ng mga trucker at hanay ng pulisya sa North Harbor sa pag-arangkada ng daytime truck ban sa Maynila, kahapon. Dakong 6:00 ng umaga, ipinarada ng mga driver ang kanilang mga trak sa gilid ng Moriones Gate ng Philippine Port Authority (PPA) bilang protesta sa bagong ordinansa sa lungsod. Ipinaskil pa ng mga miyembro ng Integrated North Harbour …
Read More »Rodgers hahataw sa Ginebra
NAKATAKDANG dumating ngayon ang import ng Barangay Ginebra Gin Kings na si Leon Rodgers na inaasahang makakatulong nang malaki sa hangarin ng Gin Kings na makabawi sa masaklap na kapalarang sinapit nila sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup. Si Rodgers, na may sukat na 6-7, ay galing sa impresibong stint sa Jilin Northeast Tigers sa Chinese Basketball League. Sa koponang …
Read More »Sonsona giniba si Shimoda sa 3rd
HINDI binigo ni Pinoy sensation Marvin “Marvelous” Sonsona ang kanyang fans nang patulugin ang dating kampeon ng mundo na si Akifumi Shimoda ng Japan sa 3rd round. Isang matinding uppercut ang tumapos sa hapon na sinaksihan ng “jampacked Venetian crowd” na karamihan ay mga Pinoy. Sa naging panalo ni Sonsona ay nakamit niya ang bakanteng WBO International featherweight title. At …
Read More »Ely Capacio pumanaw na
SUMAKABILANG-BUHAY na ang vice-chairman ng PBA Board of Governors na si Eliezer “Ely” Capacio sa edad na 58. Pumanaw si Capacio sa Asian Hospital sa Muntinlupa pasado hatinggabi kahapon pagkatapos ng anim na oras na operasyon dulot ng kanyang stroke. Iniwan ni Capacio ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang kapatid na si Glenn na assistant coach ng Globalport Batang …
Read More »Sangalang umangat ang laro
MATAPOS na malimita sa dalawang utos sa Game One ng best-of-seven chamionship series ng PLDT myDSLPBA Philippine Cup sa pagitan ng San Mig Cofffee at Rain or shine, si Ian Sangalang ay nagpakitang-gilas at nagtala na ng double figures sa scoring mula sa Game Two. Katunayan, si Sangalang ay pinarangalan pa nga bilang Best Player of the game ng Game …
Read More »Paano gumawa ng salt water cure
KUNG interesado kayo sa salt water feng shui cure, at ramdam na maaaring makinabang dito, narito ang basic instructions sa paggawa nito. Mga kailangan para sa salt water cure: – salt (ideally high quality rock salt) – container (glass, porcelain or metal) – 6 Chinese Coins (made from brass) – water (3/4 ng napiling container) – protective mat, or stand. …
Read More »Ang Zodiac Mo
Aries (April 18-May 13) Ang mga pangyayari ngayon ang mag-uudyok sa iyong pumalaot sa romantic connections. Taurus (May 13-June 21) Posibleng magkamali sa paghawak sa personal na pera o sa budget ng pamilya. Gemini (June 21-July 20) Ang ano mang bagay na hindi mo nakompleto nitong nakaraan ay titiyakin mong matatapos ngayon. Cancer (July 20-Aug. 10) Maraming nakakalat na mga …
Read More »Hubo naglalakad sa dream
Hi po sir senor, lagi ko napanaginipan na naglalakad ako na wala khit ano saplot s katawan, minsan nahihiya ako, tinakpan ko ng kamay ang ari ko, minsan hindi naman. Im greg, (09109551003) To Greg, Kapag ikaw ay nanaginip na lumalakad ng maayos, ito ay nagsasaad ng mabagal ngunit steady na progreso tungo sa iyong mithiin sa buhay. Ikaw ay …
Read More »4 kambing naglaro sa bendy metal
NAGING viral sa internet ang video ng apat na kambing habang naglalaro sa bendy me-tal shelter. Mahigit 2.2 milyon katao na ang nakapanood ng video clip sa YouTube, na kuha sa farm field sa France. Sa nasabing video, mapapanood ang mga kam-bing habang nagpapamalas ng kahanga-hangang ba-lancing skills habang binabalanse ang kanilang katawan sa ibabaw ng bendy sheet ng metal. …
Read More »