Aries  (April 18-May 13) Ang atmosphere ngayon ay mainam sa pagbiyahe dahil maaliwalas ang panahon.

Taurus  (May 13-June 21) Ang sitwasyon ay unti-unting bumabalik sa dati.

Gemini  (June 21-July 20) Ang positibong potensyal ngayon ay depende sa kakayahan sa pakikipag-ugnayan, kuryusidad, pagiging aktibo at kasipagan.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Ang sandali ngayon ay mainam sa pagtupad sa confidential instructions gayundin sa pagtungo sa doktor para sa pagtugon sa problemang medikal.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Posible ang tagumpay ngayon bunsod nang masinsinang inter-aksyon sa mundo sa iyong paligid.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Kung iniisip mong mahirap ipatupad ang iyong obligasyon ngayon, maaaring nagkakamali ka o tinatamad lamang.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Maging kalmado at magtiwala sa sarili, huwag matataranta.

Scorpio  (Nov. 23-29) Kailangan na maging maingat ngayon sa mga sasabihin.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Huwag idi-disappoint ang iyong partner, tagahanga, kliyente o kostumer ngayon.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Kailangan ang iyong partisipasyon sa pagpapanatili ng magandang kalusugan, at maayos na tahanan.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Sumige ka, alamin kung saan maaaring magamit ang iyong mga talento.

Pisces  (March 11-April 18) Magiging emos-yonal ka ngayon. Ang simpleng bagay ay maaari mong palakihin.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Magkakaroon ng tiwala sa sarili bunsod ng iyong mga kapasidad.

lady Dee