Wednesday , December 25 2024

hataw tabloid

Roxas, Purisima ‘di sisibakin — Palasyo (Kait malala ang kriminalidad)

HINDI sisibakin ni Pangulong Benigno Aquino III sina Interior Secretary Mar Roxas at Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima kahit lumalala ang problema sa kriminalidad sa bansa. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy pa rin pinagkakatiwalaan ni Pangulong Aquino sina Roxas at Purisima. Nauna rito, sa kanilang liham kay Pangulong Aquino, nanawagan ang Volunteers Against …

Read More »

DQ ibasura — Erap

IPINABABASURA ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Korte Suprema ang disqualification case na inihain laban sa kanya kaugnay ng kanyang kandidatura noong 2013 elections. Ang kahilingan ng alkalde ay nakasaad sa 70-pahinang memorandum na inihain sa Supreme Court sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa pangunguna ni Atty. George Garcia. Sa nasabing memorandum, hiniling ni Estrada na ibasura ang petisyon …

Read More »

Probe team vs bakasyonistang preso

INIUTOS ni Justice Sec. Leila De Lima ang pagbuo ng special investigating team para bumusisi sa kontrobersiyal na paglabas-pasok ng high profile prisoners sa mga kulungan na saklaw ng Bureau of Corrections. Ito ay kasunod ng napaulat pa confinement ng isang drug lord sa isang ospital nang walang pahintulot mula sa Department of Justice. Ang binuong panel ay kinabibilangan nina …

Read More »

Bawang hoarders pinatitiktikan

TINITIKTIKAN na ng gobyerno ang mga taong pinaghihinalaang nag-iimbak ng bawang na sanhi nang labis na pagtaas ng presyo nito sa pamilihan. “Law enforcers are conducting surveillance on suspected hoarders. Concerned parties are urged to unload their stocks to avoid arrest and prosecution,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Kamakalawa ay inihayag ni Coloma na may sapat na supply …

Read More »

Chef hinimatay sa NAIA terminal 1

HINIMATAY ang isang Filipino na paalis patungo sa Saudi Arabia, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon. Si Lumanggal Sabirin Apad, 33, residente ng Dasmariñas, Cavite, nagtatrabahong cook sa Saudi Arabia ay nawalan ng malay habang papasok sa departure area ng NAIA 1 dakong 9 a.m. Tumama ang ulo ni Apad, sa railing nang siya ay himatayin. Agad …

Read More »

11 magsasaka kinidlatan (1 patay, 2 sugatan)

VIGAN CITY – Isa ang patay at dalawa ang sugatan makaraan tamaan ng kidlat ang 11 magsasaka na nagtatanim ng palay sa Ilocos Sur kamakalawa. Ayon kay Chief Insp. Simon Damolkis ng PNP Sta. Cruz, nangyari ang insidente sa Brgy. Lantag, bayan ng Sta. Cruz. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Bonifacio Fabro, Jr., 23, habang ang dalawang sugatab …

Read More »

Tropa, Mixers magtutuos Semis

MAGTUTUOS sa semifinals ang grand slam seeking San Mig Super Coffee Mixers at Talk ‘N Text Tropang Texters matapos nilang patalsikin ang mga nakalaban sa quarterfinals ng PLDT Home TelPad PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi. Pinindot ng top seed Tropang Texters ang 99-84 panalo kontra No. 8 seed Barako Bull Energy Cola sa unang laro …

Read More »

Simon may injury sa likod

INAMIN ni San Mig Super Coffee head coach Tim Cone na nagulat siya sa hindi paglaro ng isa sa kanyang mga pangunahing pambato na si Peter June Simon sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup noong Martes ng gabi. Hindi naglaro si Simon sa 97-90 na panalo ng Coffee Mixers kontra San Miguel Beer dahil sa sakit sa likod. “We didn’t …

Read More »

Pagbili ng prangkisa kinompirma ng NLEX

KOMPIYANSA ang North Luzon Expressway na matatapos na sa mga darating na linggo ang balak nitong bilhin ang isang koponan ng PBA at makalaro na sa susunod na season ng liga. Sinabi ng team manager ng Road Warriors na si Ronald Dulatre na ihahayag niya ang koponang balak nilang bilhin kapag natapos na ang kampanya ng nasabing koponan ngayong PBA …

Read More »

Gregorio ‘di pakakawalan ng Meralco

KAHIT hindi nakapasok sa semifinals ang Meralco sa lahat ng mga torneo ng PBA ngayong season na ito ay walang balak ang Bolts na pakawalan si coach Ryan Gregorio. Sinabi ng tserman ng PBA board of governors at ang bise-presidente ng human relations na si Ramon Segismundo na makikipag-usap siya kay Gregorio sa susunod na linggo upang pag-usapan ang mga …

Read More »

Blackwater tatawag ng tryout

MAGKAKAROON ng tryout ang Blackwater Sports sa susunod na linggo para maghanap ng mga manlalarong makakasali sa lineup nito bilang baguhang koponan sa PBA sa bagong season na magsisimula sa Oktubre ng taong ito. Gagawin ang tryout sa Hunyo 24 at 26 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa SGS Gym sa Araneta Avenue, Quezon City. Sinabi ni …

Read More »

Relasyong Jasmine-Sam, matatag pa rin

James Ty III KAHIT parehong busy sa magkaribal na network, patuloy ang pagiging sweet ng relasyong Jasmine Curtis at Sam Concepcion. Nag-enjoy sina Jasmine at Sam sa panonood ng laro ng Barangay Ginebra at Talk n Text sa PBA noong Linggo sa Araneta Coliseum at kitang-kita ang pagiging sweet ng dalawang young stars. At kahit nagkaroon ng sigalot si Sam …

Read More »

Relasyon ni Jake kay Chanel Olive, for keeps na raw!

ni Pilar Mateo IN high spirits si Jake Cuenca nang dumalo sa event ng HBC (Hortaleza) sa kanilang National Makeover Day in time rin sa Father’s Day in Trinoma. Hitsura ng concert king na nagkakanta ito at umikot sa ‘di mabilang na  attendees ng nasabing event. “Galing pa nga ako ng taping ng ‘Ikaw Lamang’.  Pinayagan naman ako ng staff …

Read More »

Aktres, nairita sa inihandang interview para sa new show

ni Ronnie Carrasco III UMARIBA na naman ang pagiging highhanded ng isang CPA (time and again, our reference to her ay hindi isang certified public accountant kundi isang currently popular actress). Highhanded in the sense na imbes na sakyan dapat ng aktres na ‘yon ang mga isyu to hype her forthcoming show ay nairita pa sa inihandang treatment sa kanyang …

Read More »

Ayaw paawat si lola!

ni Pete Ampoloquio, Jr. Shakira ang mga entertainment press na nag-attend sa presscon ng pelikulang Overtime under GMA Films na pinagbibidahan nina Rihard Gutierrez at Lauren Young dahil sa shocking na chika ng isang broadsheet entertainment editor tungkol sa nakangingilabot (nakapangingilabot daw talaga, o! Hahahaha!) na tripping ng isang eksenadorang showbiz mom who’s now permanently residing in the US of …

Read More »

Mga naglalakihang artista susugod sa huling leg ng Ginuman Fest 2014

I-CUCULMINATE ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang Ginuman Fest 2014 (ang matagumpay at inaabangang taunang concert series ng brand) ngayong Hunyo. Sa loob ng anim na buwan, nilibot ng Ginuman Fest 2014 ang buong bansa kasama ang mga brand ambassadors nito na kinabibilangan ng ilan sa pinaka-maiinit, pinaka-influential, at pinaka-talentadong artista sa industriya. Ngayong ikatlong taon nito, patuloy ang …

Read More »

Negosyante dinukot sa Maynila

TINANGAY ng anim armadong lalaki ang isang negosyante sa tapat ng kanyang bahay sa Arellano St., kanto ng Fortuna St., Brgy. 627, Zone 63, Ramon Magsaysay Blvd., Sta. Mesa, Maynila kahapon. Sa impormasyon mula kay Manila Police District (MPD) Sta. Mesa station (PS 8) commander, Chief Supt. Redentor Ulsano, dakong 1 a.m. nang lumabas ng kanilang bahay ang biktimang si …

Read More »

Dambong ni Napoles mahirap mabawi (Palasyo aminado)

SINANG-AYONAN ng Malacañang ang pahayag ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na mahihirapang mabawi ang mga ninakaw ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles. Una na rito, sinabi ni PCGG chairperson Andres Bautista, magiging matagal ang proseso ng pagbawi dahil diringgin sa korte ang kaso at asahan ang sangkaterbang apela na ihihirit ng kampo ni Napoles …

Read More »

NBI kasado sa aresto vs 3 pork senators

AMINADO si National Bureau of Investigation (NBI) Director Virgilio Mendez, nakapaghanda na sila sa posibleng pag-aresto sa mga akusado sa pork barrel case. Ito’y makaraan mag-isyu ang Sandiganbayan ng hold departure order para kina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, pati na sa kanilang mga co-accused sa pork barrel case. Ayon kay Mendez, naniniwala silang ano mang …

Read More »

Muntinlupa Assessor’s employee itinumba

TINAMBANGAN ang isang kawani ng Muntinlupa City Hall ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling araw. Namatay noon din si Wilfredo Pastrana, 47, biyudo, draftsman sa Assessor’s Office, residente ng Lot 6, Block 28-J, Huli St., Katarungan Village, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. Sa ulat na natanggap ni Sr. Supt. Allan Cruz Nobleza, hepe ng Muntinlupa City …

Read More »

Kelot tumalon sa bus, dedbol; ex-OFW dumayb sa tulay, patay

PATAY ang isang tatay makaraan tumalon mula sa tumatakbong bus sa bayan ng Del Gallego, Naga City kamakalawa habang binawian din ng buhay ang isang babaeng dating overseas Filipino worker (OFWs) nang tumalon mula sa isang tulay sa Cauayan, Isabela. Kinilala ang biktimang tumalon sa bus na si si Eulogio Ramos, 52-anyos. Sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, …

Read More »

Palasyo malamig sa wage hike

MALAMIG ang  Malacañang sa hirit na dagdag sweldo sa mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ipinauubaya nila sa Regional Tripartie Wages and Productivity board ang pag-aaral at pag-apruba sa wage hike. Ayon kay Coloma, sa ilalim ng umiiral na batas, kailangan ng supervening events para magtaas …

Read More »

Senglot pisak sa tren

NAGA CITY – Napisak ang katawan ng isang lalaki makaraan masagasaan ng tren sa Brgy. Mantalisay, Libmanan, Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si Angeles Alano, 63-anyos. Ayon kay PNR Division Manager Constancio Toledano, nahagip ng biyaheng Sipocot-Naga ang biktima. Pasuray-suray aniya ang biktima dahil sa labis na kalasingan kung kaya kahit nakapagpreno pa ang makinista ay nahagip pa rin ng …

Read More »