Wednesday , July 17 2024

Naliligo sa ulan at biglang baha

To Señor H,

Im Johnny, nnagnip ako naliligo ako sa ulan, malakas daw yung ulan, tapos ay bigla ngbaha na, my konksiyon b ito sa mga pag ulan at pgbaha ngaun s ating bansa?  wag mo n lng popost # ko, salamat ng mrami senor h..

To Johnny,

Ang panaginip mo ay may kinalaman sa paglilinis mula sa iyong mga suliranin at kaguluhan sa buhay. Ang ulan ay simbolo rin ng fertility at renewal. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin na sagisag ng kapatawaran at biyaya. Subalit, puwede rin namang metaphor ito ng luha, pag-iyak o kalungkutan.  Maaari rin na ang kahulugan ng paliligo mo sa iyong panaginip ay ang paglilinis o washing away ng difficult times. Kasama na rin dito ang pagtanggal sa iyong sarili ng old ideas, notions, opinions, at iba pang mga negatibong bagay. Ito’y nagsasabi rin ng ukol sa forgiveness at letting go.

Kapag nanaginip ng baha, ito ay may kaugnayan sa pag-release ng sexual desires. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa emotional issues at tension. Ang iyong nakuyom o sinariling  damdamin ay may malaking epekto sa iyo na labis na nagdudulot sa iyo ng pagkabagabag. Bukod sa pag-ulan, alamin kung saan o paano pa nagkaroon ng baha, na sa estadong ikaw ay gising ay nagdudulot sa iyo ng stress at tension. Alternatively, maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo. Sa kabilang banda, posible rin namang nagpapakita ang panaginip mo ng hinggil sa spiritual change o reawakening.

Maaaring may kaugnayan ang panaginip mo sa pinagdadaanang problema sa kasalukuyan, kaya dapat kang maging matatag sa mga pagsubok at huwag mawawalan ng pananalig sa Diyos. Ngunit, posible rin naman na ang panaginip mo sa baha ay may kaugnayan sa mga nararanasang pagbaha ngayon dito sa ating bansa bunsod ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan. Madalas mo itong nararanasan ngayon at nag-manifest lang ito sa iyong bungang-tulog.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Krystall Herbal Oil

Retiradong empleyado, laging may stocks na Krystall Herbal Oil para sa kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          A blessed …

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

SM Zamboanga FEAT

Becoming a ‘second home’ amidst adversity
Renewing hope: SM School building’s impact in Zamboanga

The School Building Program of SM Foundation enables the Zamboanga Central School-SPED Center to accommodate …

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *