Sunday , December 29 2024

hataw tabloid

Pinay sugatan sa hotel attack sa Libya

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipina ang nasugatan sa pamamaril sa isang hotel sa Tripoli, Libya. Ayon sa DFA, natamaan ng limang bala ng baril ang biktima ngunit ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan. Hinggil sa impormasyon na dalawa nating kababayan ang namatay sa naturang pag-atake, biniberipika pa ito ng DFA sa Philippine Embassy sa Libya. …

Read More »

Imahe ng Sto. Niño may dugo sa daliri (Sa Tacloban)

TACLOBAN CITY – Makalipas ang isang linggo nang bumisita ang Santo Papa sa Leyte, ang imahe ni Santo Niño na inilagay sa labas ng Balyuan Convention Center sa Siyudad ng Tacloban ay sinasabing nakitang may nabuong tuyong dugo sa dalawang daliri sa kanang kamay. Una nang nag-imbestiga rito ang Santo Niño Parish at ayon kay Father Oliver Mazo, wala pa …

Read More »

Bebot na may sayad nakalusot sa Korea

KALIBO, Aklan – Nakalusot sa mahigpit na pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Kalibo International Airport (KIA) ang isang babae na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip. Ito’y makaraan makaakyat ng babaeng kinilalang si Leah Castro Reginio, 30, residente ng Brgy. Aureliana, Patnongon, Antique sa eroplanong papuntang Incheon, South Korea, bagama’t walang kaukulang travel documents. Nalusutan niya …

Read More »

Sanggol natupok sa sunog

PATAY ang isang sanggol makaraan makulong sa nasunog nilang bahay kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Tupok na ang kalahating katawan ng biktimang si Julius Rain Buquing, isa’t kalahating taon gulang, nang matagpuan sa loob nang nasunog nilang bahay sa Phase 8, Package 1B, Block 2, Lot 11, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Habang nailigtas ang nakatatanda niyang …

Read More »

3 karnaper kalaboso

ARESTADO ang tatlong karnaper nang makita sa footage ng close circuit television (CCTV) camera sa Maynila. Hawak na ng Manila Police District – Anti-Carnapping Unit (MPD-ANCAR) ang mga suspek na sina Wilmer Opelenia, Louie Banglay, at Raffy Camelon. Ayon sa MPD-ANCAR, unang naaresto kamakalawa ng gabi si Opelenia nang makita sa footage ng CCTV ang kanyang tattoo sa kanang braso …

Read More »

Negosyante utas sa 3 kustomer

PINAGBABARIL hanggang napatay ang isang 38-anyos negosyante ng tatlong lalaking nagpanggap na kustomer sa Islamic Center, San Miguel, Maynila kahapon ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Pepito Ibrahim, may-ari ng sari-sari store, tubong Maguindanao, residente ng 02-645 Palanca Street, San Miguel. Habang mabilis na tumakas ang mga suspek na hindi pa nakikilala. Sa imbestigasyon ni SPO1 Christian Caparas, …

Read More »

Kanya-kanyang ‘alibi’ sa PNP!

ANG pahayag ng officer-in-charge ng Philippine National Police na si deputy director general Leonardo Espina nang sumabog ang balitang marami sa mga tauhan ng elite PNP-Special Action Force ang namatay sa Mamasapano, Maguindanao attacked ay wala raw alam ang national headquarters ng PNP sa isinagawang police operations sa nasabing lugar. Naku po! Ganun general? Sa mga hindi nakaaalam, ang pamunuan …

Read More »

1 patay, pulis sugatan sa barilan (Sa bisperas ng pista sa Iloilo)

ILOILO CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis sa bayan ng Janiuay, Iloilo, ang magkapatid na suspek sa nangyaring barilan sa bisperas ng pista sa lugar. Isa ang patay at isang pulis ang sugatan sa insidente. Ayon kay SPO1 Nestor Perigrino, imbestigador ng Janiuay Municipal Police Station, nagresponde ang dalawa nilang kasamahan na sina SPO1 Dexter Madayag at PO3 Jeffry …

Read More »

Delivery truck tumagilid, 2 sugatan

DALAWA ang sugatan makaraan tumagilid ang delivery truck nang sumabog ang hulihang gulong kahapon ng umaga sa Skyway southbound lane sa Muntinlupa City. Ginagamot sa Parañaque Medical Center ang mga biktimang sina Mickle Mariano, 32, driver, tubong Tarlac, stay-in sa Block 2, Lot 2, Manchester 2, Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City, at Dennis Bozar, 30, pahinante, ng 77 Baesa St. ng nasabi ring lungsod. Batay …

Read More »

BBL maaaring ‘di maipasa

AMINADO ang liderato ng Senado na nangangamba silang hindi maipasa ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL) bunsod nang nangyaring sagupaan ng pulisya at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ikinamatay ng mahigit sa 40 Special Action Force (SAF) sa lalawigan ng Maguindanao. Ayon kay Senate President Franklin Drilon, posibleng marami ang magiging emosyonal sa masaklap na sinapit ng mga …

Read More »

DoJ nabulabog sa bomb threat

NABULABOG ng bomb threat ang tanggapan ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura, Maynila kahapon. Ayon sa isang guwardya, nakatanggap ng banta ang Office of the Secretary ni Leila de Lima. Pasado 10 a.m. nang palabasin ang mga empleyado. Agad iniutos ng kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI) na halughugin ang buong tanggapan.

Read More »

5 arestado sa P1-M shabu

ROXAS CITY – Tinatayang P1 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa buy bust operation sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City kamakalawa. Nahuli ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing operasyon ang lima katao kabilang ang high-profile drug personality na si Rowena Pangcoga, matagal nang nasa watchlist ng pulisya. Kabilang din sa mga …

Read More »

Laborer kritikal sa backhoe clearing ops

LEGAZPI CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang construction worker makaraan mabagsakan sa ulo ng arm boom ng backhoe sa San Miguel sa Catanduanes. Kinilala ang biktimang si Elmer Matienzo Alcantara, 27, ng Brgy. Cavinitan sa nasabing lalawigan. Ayon sa mga awtoridad, abala ang biktima kasama ang iba pang trabahador sa isinasagawa nilang clearing operation sa kabi-kabilang landslide sa …

Read More »

5-anyos pinatay sa asin

ni Tracy Cabrera NAGSIMULA kamakailan ang hindi kapani-paniwala’t nakalulungkot na kaso ng murder na dahan-dahang pinatay ng isang ina ang kanyang 5-taon-gulang anak sa pamamagitan ng asin at idinokumento pa ang unti-unti pagkamatay ng bata sa social media. Kinasuhan si Lacey Spears, 27, ng Scottsville, Kentucky, na nagpresinta ng online sa kanyang sarili bilang debotong ina, ng ‘depraved murder’ at …

Read More »

Amazing: Lego braille printer naimbento ng binatilyo  

PINANINIWALAANG ang isang 13-anyos American boy ang pinakabatang entrepreneur na tumanggap ng venture capital makaraan maimbento niya ang Braille printer gamit ang Lego. Bilang patunay na ang Silicon Valley wonder kids ay pabata nang pabata, nakaisip ng ideya si Shubham Banerjee makaraan itanong sa kanyang mga magulang kung paano nakababasa ang mga bulag. Ipinayo ng mga magulang sa California eight-grader …

Read More »

Feng Shui: Magbuo ng spiritual environment

ni Lady Choi ANG wastong chi sa inyong bahay ay makatutulong sa iyo sa pakikitungo sa iyong deepest spiritual chi, na tumatakbo sa iyong chakras. Kasabay nito, sa pamamagitan ng pag-access sa iyong deepest chi at pag-project nito sa inyong bahay, mapupuno mo ito ng uri ng enerhiya upang maramdaman ang pagiging spiritual sa bawa’t pag-uwi mo sa bahay. Ang …

Read More »

Ang Zodiac Mo (Jan. 28, 2015)

ni Lady Dee Aries (March 21 – April 19) Hindi mo mahulaan kung paano sila magre-react sa iyong exciting news. Maghanda sa posibleng mangyari. Taurus (April 20 – May 20) Kung hindi ka nasisiyahan sa inyong tahanan, gumawa ng paraan para maayos ito. Gemini (May 21 – June 20) Sa iyong hindi intensyong selfish act ay lalong madaragdagan ang respeto …

Read More »

It’s Joke Time: Bakit malIit si Gloria?

Erap: Bakit maliit si Gloria? Jinggoy: ‘Di ko alam e, bakit nga ba? Erap: Kasi maaga sya naulila! Jinggoy: Ha? Erap: Oo, maaga siya naulila kaya walang nagpalaki sa kanya! *** Baka Madamay Kapag may problema ka, tandaan mo… nandito lang ako. Nandito lang talaga ako. Tapos, diyan ka lang… huwag kang pupunta rito! Baka madamay ako!  

Read More »

Mga maikling-maikling kwento: Dangal

Matagal nang tulo-laway sa kaseksihan ni Vanessa ang kapit-kuwarto niyang si Loloy. Kita niya sa mga mata nito ang ma-sidhing pagnanasa sa kanyang katawan. Laging nakabantay sa bawa’t mga pagkilos niya. Alam niya na madalas siyang pagpantasyahan ng binatang tricycle boy dahil manipis na plywood lang ang pagitan ng kanilang mga silid, at hindi miminsan niyang nahuli sa aktong binobosohan …

Read More »

Oh, My Papa (Part 36)

NAGLAKAS-LOOB AKONG HUMINGI NG TAWAD KAY NANAY DONATA “Pakitingnan-tingnan silang dalawa, iho…” ang paghahabilin sa akin kina Inay at Itay ni Ka Dong. “O-opo…” tango ko sa matandang lalaki. Ginising ako sa higaan ng mga naghaharurutang traysikel na pupugak-pugak ang tambutso sa kalye. Malakas na ang saboy ng liwanag ng araw sa labas ng aming bahay. Tanghali na pala. Sumaisip …

Read More »

Amir Khan nais si Pacman

Kinalap ni Tracy Cabrera IBINUNYAG kamakailan ng British welterweight na si Amir Khan ang posibilidad na makaharap niya sa ibabaw ng ring ang kaibigan niyang si Manny Pacquiao matapos makapulong ang dating sparring partner nitong nakaraang linggo. Nagsanay si Khan kasama si Pacquiao nang ilang taon sa ilalim ng kanyang mentor na si Freddie Roach at sinabi niya dati na …

Read More »

EAC kampeon sa NCAA Men’s Volleyball

ni James Ty III NAKUHA ng Emilio Aguinaldo College ang kaunaunahang titulo sa men’s volleyball ng NCAA Season 90 pagkatapos na padapain nito ang College of St. Benilde, 25-21 23-25, 25-19, 25-20, noong Lunes sa Game 3 ng finals sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Humataw si Howard Mojica ng 28 puntos upang dalhin ang Generals sa ikalawang sunod …

Read More »

Alapag hinirang na komisyuner ng FIBA

ni James Ty III ISINAMA ng world governing body ng basketball sa mundo na FIBA ang kareretiro lang na point guard ng Gilas Pilipinas at Talk n Text na si Jimmy Alapag sa Players’ Commission hanggang sa taong 2019. Ang nasabing komisyon ay pinangungunahan ng dating sentro ng NBA na si Vlade Divac. Naunang itinalaga ng FIBA ang pangulo ng Samahang …

Read More »

Sentro ng Purefoods sinuspinde

ni James Ty III PINATAWAN ng PBA ng dalawang larong suspensiyon ang sentro ng Purefoods Star Hotdog na si Yousef Taha dahil sa kanyang pagsuntok kay Rain or Shine import Rick Jackson sa tune-up game ng dalawang koponan noong Biyernes sa Ronac Gym sa San Juan. Bukod pa rito ay pinagmulta si Taha ng P60,000. Anim na beses na sinuntok ni …

Read More »