Ang Zodiac Mo (March 19, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Ikaw ang dapat na unang magsalita – o maaaring umaksyon – ngayon.

Taurus (May 13-June 21) Ang iyong wallet ang dapat mong bantayan ngayon, kailangan mong iwasan ang tuksong ubusan ito ng laman.

Gemini (June 21-July 20) Ang iyong mga kaibigan ang legion – mahalagang lalo pa silang makilala ngayon.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ang tahanan at pamilya ang dapat mong kinaroroonan. Mag-lunch kasama ng pamilya.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Mag-ingat sa burukrasya, pababagalin ka lamang nito. Hilinging makausap ang manager.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Magbiyahe, bagama’t ito’y sa kabilang bayan lamang. Kumain sa bagong lugar.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Palawakin pa ang iyong mainit na pagtanggap ng mga bisita. Tiyak na matutuwa ka kapag ibinalik sa iyo ang pabor.

Scorpio (Nov. 23-29) Mainam ang araw ngayon para sa checkup – o rebyuhin man lamang ang iyong health habits.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mag-practice ng random acts ng pagtulong. Ito’y magpabubuti ng iyong pakiramdam, at magpapabuti rin sa iyong karma.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Mainam ang araw ngayon na pansamantalang ipagpaliban ang regular schedule at tiyaking mabibigyan ng panahon ang mga taong mahalaga sa iyong buhay.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Kumustahin ang ilang kamag-anak. Ang iyong nakaraan ay may kaugnayan sa iyong kasalukuyan.

Pisces (March 11-April 18) Ang mundo ay nasa soft-focus. Ito’y kaakit-akit. Huwag isusuko ang iyong rose-colored glasses.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hindi mo maiintindihan ang sasabihin ng isang kaibigan ngayon, ngunit kailangang hayaan siya pansamantala.

 

ni Lady Dee