Sino kaya ang mananaig sa tapatang Jen-Lloydie at JaDine?
Roldan Castro
April 27, 2016
Showbiz
MARAMI ang nalungkot na magtatapat ang pelikula nina John Lloyd Cruz-Jennylyn Mercado (Just The 3 Of Us) at ang kina James Reid at Nadine Lustre(This Time).
Tiyak na may masasaktan sa salpukan na ito. May maurong kaya at magbibigayan sa playdate na ito?
May napatunayan na sa takilya ang JaDine samantalang susubukan pa lang ang unang tambalan nina JLC at Jen. Although, parehong kumikita ang romcom nina John Lloyd at Jennylyn sa magkaiba nilang kapareha.
Ang point nga ng kaibigang Archie Liao, kaunti na raw ang pelikulang Pinoy na ipinalalabas sa sinehan. Sana raw ay magbigayan na lang para hindi magkasakitan.
Tama… may point ka riyan, Archie!
He!he!he!
Ang tanong ngayon, ano ang unang panonoorin ‘pag nagtapat ang dalawang pelikula?
Mas excited kami sa unang tambalan nina Jennylyn at John Lloyd. Bukod dito, isang Cathy Carcia-Molina ang director na punompuno ng kilig ang mga pelikula. Gusto kong mapanood kung ano ang bagong maio-offer nina Lloydie at Jen sa mga televiewer.
Of course, hindi rin namin palalampasin ang This Time ng JaDine na mas matindi ngayon ang laplapan sa movie at may mga eksena pa silang kinunan sa Japan.
Alin kaya sa dalawang pelikulang ito ang mangunguna ‘pag natuloy ang salpukan?
Alden ginagamit ng isang kandidato sa Macabebe, Pampanga
IGINIIT ng pamunuan ng career ni Alden Richards walang permiso na gamitin ang larawan nito kasama ang isang candidate sa Macabebe, Pampanga.
Hindi raw ini-endorse ni Alden ang nasabing candidate. Dapat ay lumagay daw ito sa tama. Posibleng gawan ng legal na aksiyon ang ginawa ng candidate na iyon na nagpa-picture lang daw noon sa Santa Cruzan at saka ginamit sa kampanya niya.
Walang takot talaga na nakapaskil sa Pampanga ang tarpaulin ng political candidate na kasama ang Pambansang Bae.
Paano iboboto ang ganitong candidate kung ngayon pa lang ay hindi gumagawa ng tamang proseso. Gumagamit siya ng sikat na artista sa campaign niya na hindi nagpapaalam.
Ayon nga kay Lendl Fabella ng GMA Corpcom,”Beware! Alden Richards is not endorsing this political candidate! #DapatTama.”
Aljur, wala raw masasabi sa pagkaka-link nina Kylie at Julian
KINUNAN ng reaksiyon si Aljur Abrenica sa pagkaka-link ng ex -girlfriend niyang si Kylie Padilla kay Julian Trono.
“Wala akong masabi dahil hindi ko… ayoko naman, napakaselan niyan po para sa akin dahil hindi ko naman po alam talaga kung ano ang nangyayari,” pag-iwas niya sa isyu.
“Basta nakikita ko po siyang masaya sa ginagawa niya at sa bagong project niya na “Encantadia”. At siyempre naging parte na siya ng buhay ko noon, alam ko po ‘yung mga pangarap niya, na natutupad na ngayon. Masayang-masaya po ako sa nangyayari sa kanya,” sambit pa niya.
Nagkakausap naman daw sila ‘pag nagkikita sa events ng GMA pero never nilang napag-usapan ang tungkol kay Julian.
Xavier, kumakanta pa rin kahit nagnenegosyo
MAS naka-focus ang atensiyon ni Xavier Cruz sa negosyo ng kanilang pamilya pero hindi niya tuluyang iniiwan ang pagkanta. Nandiyan lang daw sa tabi at darating din ang tamang panahon na gagawa siya ng sarili niyang album.
“Naging busy lang po sa trabaho. Focus muna ako sa marketing. Kumakanta pa rin ako sa church namin,” sey niya nang makatsikahan namin sa opening at blessings ng apat na Upgraded Public Market (Sta Ana, Trabajo, Sampaloc, at San Andres).
“Tapos minsan ‘pag may mga event kami kumakanta ako. Tutok lang talaga ako sa pagtulong sa negosyo ng pamilya,” sambit pa niya.
Anyway, fabulous ngayon ang bagong Sta. Ana Market na joint venture nina Sir Alex Cruz, ama ni Xavier (private company) at ng Maynila (local government) na pinangunahan ni Pres./Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada. Mataas ang kalidad ng pamilihan para mas maging komportable ang mga mamimili.
“Ahh.. yes po, sabi kasi ng father ko, gusto niyang gawing high end ang mga palengke na nakuha niya ang vision na ‘to sa dating Mayor ng Marikina. Gusto kasi naming itaas ang antas ng pamilihan na ‘di ‘yung tipong ‘pag sinabi mong palengke eh marumi, mabaho, masikip, nanggigitata ang cr at mainit. May kontrata naman po eh.”
Dagdag pa nito, air-conditioned na ang ilang area lalo na ang lounge at cr at may maintenance na laging maglilinis ng area.
“It’s about time to improve the standards of a public market here in the Philippines,” deklara pa ni Xavier.
Dianne, naghihintay na lang sa proposal ni Rodjun
NAKAUSAP namin si Dianne Medina sa shooting ng pelikulang Pagkatapos ng Umaga (The Story Of Love) ni Direk JM Aposaga.
Hindi raw siya nagseselos sa bading kundi sa babae. Tinanong kasi ang reaksiyon niya sa kissing scene nina Rodjun Cruz at Eric Quizon sa The Story Of Us.
Inamin niya na may pinagselosan siyang actress noon pero ayaw niyang banggitin.
Umabot na ng nine years ang relasyon nila ni Rodjun at mukhang kasal na lang ang kulang.
Waiting lang naman daw siya sa proposal ng kanyang boyfriend. Bihira raw nila mapag-usapan ang tungkol sa kasal.
Tinawagan agad ng isang katoto si Rodjun kung bakit ayaw pang pakasalan si Dianne.
Sabi ng actor, sosorpesahin na lang daw niya si Dianne. Hindi naman daw sila aabot ng siyam na taon kung hindi siya seryoso.
Anyway, Tampok din sa pelikulang Pagkatapos ng Umaga (The Story Of Love) sina AJ Ocampo, Francis Magundayao, Ma. Isabel Lopez, Irma Adlawan, Kyline Alcantara, at Jef Gaitan.