Gud pm po,
Puede po b na patanong k lng panaginip k na may baby daw na may tae sa pwet nag lalakad pa-lapit sa kin. Tapos may cnapian daw na dalaga at ang daming pinatay isa raw ako sa gustong patayin nung dalaga. Ano po ibig sabihin noon? Ako po c Guia Cruz. (09398493934)
To Guia,
Ang baby sa bungang-tulog ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Kaya maaari rin na ang panaginip na ganito ay isang babala sa posibleng kapahamakan mula sa taong gusto kang masaktan, maaaring sa paraang physical o financial. Kaya dapat na mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala talaga. Ito ay maaari ring may kinalaman sa pagkilala sa iyong hidden potential. Posible rin na ang iyong bungang tulog ay nagpapa-alala na dapat mong pangalagaan ang child within yourself
Ang panaginip mo naman hinggil sa dumi ng tao ay nagpapakita ng paglabas ng iyong damdamin o emosyon, o pag-aalis sa mga bagay na walang pakinabang sa iyong buhay. Puwede rin naman na may mga pagkakataong ganito na nananaginip ang isang tao na kailangan niyang magpunta sa banyo dahil iyon ang tunay na nararamdaman ng katawan niya habang natutulog. Tulad din ito na may mga pagkakataon na nakararamdam ka na naiihi sa panaginip, na kaya ito pumapasok sa panaginip ay dahil nararamdaman mo ito o kaya naman, nagpapadala ng mensahe ang iyong isipan sa nararamdaman ng iyong katawan. Nagsasaad din ang panaginip mo na dapat gamitin ang iyong full potential ng kakayahan mo sa lahat ng pagkakataon. Maaari rin naman na nagsasaad ito ng mga bagay na marumi at negatibo, pati na sa iyong sarili na pinaniniwalaan mo rin na hindi maganda. Dapat mong kilalanin ang mga ito kahit pa maaaring nakakahiya man ito. Ilabas ang mga negative sa iyong buhay. May mga paniwala rin na kapag nanaginip ng dumi o human waste ay nagsasaad ito ng possession, pride, shame, money/financial matters, o aggressive acts. Kaya maaaring may kinalaman din ito sa agam-agam hinggil sa usapin sa pera at financial security.
Kapag nanaginip na na-possess o nasapian, ito ay nagre-represent ng kalagayan ng helplessness. Na pakiwari mo ay wala kang control sa mga bagay-bagay sa iyong buhay at kapaligiran.
Kapag nakakita ng killer sa iyong bungang-tulog, ito ay nagsasaad na ang mahalagang aspeto ng iyong emosyon ay naputol. Sa puntong pakiwari mo ay nawawala ang iyong identity at individuality. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaring may kaugnayan din sa purification at sa healing process. Ikaw ay naninindigan para sa iyong sarili at winawakasan mo na ang isang bagay. Alternatively, ang panaginip hinggil sa patayan ay nagsasabing ikaw ay mayroong ilang repressed aggression o rage sa iyong sarili o sa ibang tao. Maaari kang makakuha ng clue sa iba pang rason ng panaginip mo, base sa napanaginipan mo sa taong pinatay o sa paraan ng pagpatay sa kanya. Kadalasan din na ang ganitong tema ng panaginip ay nangyayari sa panahon ng depression.
Kung ito ay isang serial killer, nagsasaad ito ng ukol sa takot at insecurity. Ang pagtatangka naman sa buhay mo sa panaginip mo ay nagsa-suggest na maaaring may masirang mahalagang relasyon. Hinihiwalay mo ang iyong sarili sa emosyon mo. Maaari rin naman na may kaugnayan ito sa unused talents.
Señor H.