HUWAG maglalagay ng ano mang gamit sa ilalim ng kama.
Ito ay dahil hindi makadadaloy ang enerhiya habang ikaw ay natutulog.
Maaaring mainam na storage area ang ilalim ng kama, ngunit kapag naalis ang ano mang nakalagay rito ay tiyak na gagaan at sisigla ang iyong pakiramdam at wala nang hahadlang sa pagdaloy ng enerhiya.
Tiyaking sapat ang liwanag sa loob ng bedroom. Batid nating nakagagaan ng pakiramdam ang lugar na maliwanag.
Ang liwanag ay lalo pang magpapasigla sa enerhiya at nagtataboy sa kalungkutan lalo na sa malamig na panahon.
ni Lady Choi