MAGIGING masuwerte kung magtatanim ng mga halaman at bulaklak, at healthy bamboo sa bahay at workplace.
Ang sariwang bulaklak ay nagdudulot ng fresh aroma na maglilinis sa hangin lalo na kung ang inyong bahay ay parang madilim, mainit, o amoy-kulob.
Magdagdag ng magagandang bulaklak para sa dagdag na kasaganaan. Ang halaman ay nagdudulot ng fresh oxygen para sa pagpapabuti ng kalusugan.
Ang enerhiya ng kuwarto ay pasisiglahin ng karagdagang mga bulaklak at halaman. Kaya tiyaking magdagdag ng fresh cut flowers o healthy plant sa inyong bahay.
Habang sa trabaho, magdagdag ng green house plants na may bilugang dahon katulad ng lily (peace plants), jade, pothos, Chinese evergreen, o orchids na may bilog na dahon.
Kung hindi mahilig magtanim, magdala ng sariwang bulaklak tuwing Lunes sa opisina, o silk flowers na may magandang kulay.
ni Lady Choi