Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahil maayos katrabaho, inquiry kay Alden, dumarami pa

IIGINIIT sa social media ni Lydia Jimenez ng Palabok House, producer ng concert ni Alden Richards sa Edmonton na hindi totoo ang  balitang nadala siya kay Alden at hindi marunong magpasalamat.

Maayos ang lahat sa kanila at ng Pambansang Bae. Naging masaya at hassle-free na makatrabaho si Alden.

“Excited na nga ako sa susunod na concert series niya rito dahil mabuti siyang ka-trabaho,” dagdag pa niya.

Samantala, maganda rin ang feedback ng producer ng Vancouver concert ni Alden na si Ami Angelo ng Red Productions. ”It was such a pleasure working with all of you! I hope you enjoyed your stay in Vancouver. Marami pa tayong mga susunod na shows! Miss ko na ang buong team and see you soon!”

Dahil sa magagandang feedback mula sa mga nakakatrabaho ni Alden na mga producer, lalo pang dumami ang inquiry sa Pambansang Bae para mag-concert sa iba’t ibang lugar sa bansa maging sa buong mundo.

Kapuri-puri talaga ang Pambasang Bae na si Alden dahil kahit grabe ang kanyang kasikatan ay nananatili pa ring humble at professional ang binata. Kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang mga producer na nakatrabaho niya kamakailan para sa concert tour sa Canada.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …