TUWANG-TUWA sa naging desisyon ng Supreme Court ang surrogate mother ni Sen. Grace Poe na si Susan Roces, dating reyna ng pelikulang Filipino.
“Maraming salamat po sa mga nagsampa ng kaso kay Grace. Tinatanaw kong utang na loob kasama ang lahat ng pulot sa buong Pilipinas na nagkaroon ng boses ang lahat ng katulad ng anak kong si Grace,” ani Susan.
“Ang ipinaglalaban ni Grace at ako ay ang karapatan ng mga bata na katulad niya. Hindi lamang karapatan ni Grace, hindi lamang ang pagtakbo bilang pangulo kundi ang karapatan niyang maging kapantay ng lahat,” dugtong ni Susan.
Tunay na kagila-gilalas ang naging resulta ng botohan ng Supreme Court justices nang payagan nila sa score na 9-6 ang kandidatura ni Sen. Poe bilang pangulo.
Kagila-gilalas dahil marami ang naniniwala lalo na ang kanyang mga katunggali na siya ay madi-disqualify. Naging exciting tuloy na parang pelikulang suspense.
TALBOG – Roldan Castro