Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy at JC nakitaan ng chemistry, bagong show niluluto na

MAGPAPAHINGA muna raw si Jessy Mendiola pagkatapos ng  You’re My Home na  huling dalawang Linggo na lang dahil masyadong seryoso at madrama ang tema ng serye . Mabuti nga’t mayroon siyang ibang show gaya ng Banana Sundae na light at tumatawa siya.

Anyway, dahil sa seryeng You’re My Home, nadiskubre rin na may chemistry sila ni JC De Vera. Balitang, ipatatawag sila ng management dahil may nilulutong project para sa kanilang dalawa.

Love na ang tawagan nina JC at Jessy sa nasabing serye pero sa totoong buhay ay lovey-lovey lang sila, friends kumbaga. Sey nga ni Jessy, noong una, akala niya ay hindi niya makakasundo si JC  at magiging close pero noong  makilala na nila ang isa’t isa ay magaan din naman  kasama ang actor. Madaling pakisamahan.

Nagpapasalamat naman sina Jessy at JC dahil nagkaroon ng fans ang team-up nila sa serye na kung tawagin ay GraceTian.

“Everytime nanonood ako ng ‘You’re My Home’, kinikilig din ako kay Christian at Grace. Na-in love na ako sa characters nila at romantic ang love story nila. Sa lahat ng GraceTians, maraming salamat dahil kami as actors, ginaganahan umarte kasi alam naming kinikilig sila,” pagbahagi ni JC.

“Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nagpupuyat para mapanood ang show namin. Naa-appreciate nila ang hardwork namin. The fact that they stay up late to wait for us and our show is heartwarming. Sa sobrang late ng timeslot hindi namin in-expect na mataas ang ratings at tumatak ang characters at story sa mga tao,” sabi ni Jessy.

Tutukan ang huling dalawang linggo ng You’re My Home pagkatapos ng  The Story of Us sa ABS-CBN Primetime Bida. Tampok din sina Richard Gomez atDawn Zulueta.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …