Sunday , December 22 2024

Hindi lang si Miriam ang tumatakbong may sakit kundi pati si VP Binay?

MUKHANG naging “sacrificial lamb” ang manedyer ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) na si Maia Santos-Deguito sa pagnanakaw ng mga Chinese hacker sa $81 milyon mula sa United States Federal Reserve na nakarating sa Filipinas sa pamamagitan ng Bangladesh Bank.

Ibinuking na kasi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang bilyon-bilyong pisong ginamit ni Vice President Jejomar Binay mula sa kanyang mga kickback sa katakot-takot na infrastructure projects noong alkalde pa lamang siya ng Makati City para pondohan ang kanyang kampanya noong 2010 elections.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kaugnay ng pagdiretso nang mahigit kalahating bilyong piso publikong pondo sa kanyang sariling bank account at bank accounts ng kanyang mga ka-partner sa negosyo.

Sa 62-page report ng AMLC, maraming kinita si Binay sa mga proyekto tulad ng P547,420,499 na pondo ng Makati City para sana sa nursing school ng University of Makati (Umak).

Ang sinasabi namang bise-presidente ni Binay sa E-Magic na si Senador Bongbong Marcos, nasa edad 20s pa lang may personal bodyguard sa katauhan si Col. Irwin Ver – ang anak ni Gen. Fabian Ver na kanang kamay naman ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Sa katunayan, ibinunyag ni Sterling Seagrave sa kanyang librong “The Marcos Dynasty” na noong nagpunta si Bongbong sa US ay pinatigil ng mga state trooper sa New Jersey ang kanyang minamanehong kotse dahil sa overspeeding.

Nahulihan din daw ng mga state trooper si Bongbong ng isang baril na may kargang mga bala na nakapatong lang sa passenger’s seat ng kanyang kotse.

Pero dahil malakas si Makoy sa US president noon na si Ronald Reagan at may diplomatic immunity si Bongbong, nakalusot ang batang Marcos sa asunto at hindi naghimas-rehas sa bilangguan sa Amerika.

Kung noong kanyang kabataan, sobrang lakas mag-trip ni Bongbong, ngayong nasa 50s na siya ay bigla naman siyang nagka-amnesia.

Hindi niya maalala ang mga naging kasalanan ng kanilang pamilya sa sambayanang Filipino tulad ng 3,257 extra-judicial killings, pag-salvage sa mahigit 2,500 katao, at pagdetine sa 70,000 na mga aktibista, magsasaka, manggagawa, lider ng oposisyon at iba’t ibang organisasyon, inosente, at iba pa.

 Kaya hindi lang pala ang iginagalang nating si Senadora Miriam Defensor-Santiago ang tumatakbong may sakit kundi pati rin pala si Binay at ang may amnesia na si Bongbong.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *