Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit Manipis ang Ulap, tatapusin na

WALANG idea si Meg Imperial na tatapusin na ang Bakit Manipis Ang Ulap saTV5.

Ayon sa balita, 11 taping days na lang daw. May alingasngas din na sumasakit umano ang ulo ng production dahil madalas daw magkasakit si Claudine kaya napa-pack ang taping.

Tinanong namin si Meg kung totoong unprofessional sa set si Claudine?

“Ah, I don’t think na unprofessional si Ate Clau. Okay naman siya sa work, eh. Ang ‘di ko alam kung hanggang kailan na lang ang ‘BMAU’. ‘Di ko pa nababasa lahat ng script,” pakli ni Meg.

Nakarating na ba sa kanya ang isyung 11 taping days na lang sila? ”Ay talaga? Feeling ko rin ‘di kakayaning tapusin ng 11 days dahil marami pang weeks na ‘di tapos,” reaksiyon niya.

Anyway, napansin ang galing ng pag-arte ni Meg sa Bakit Manipis Ang Ulap. Hindi siya nagpalamon kay Claudine.

“Proud ako na nakatrabaho ko si Ate Clau kasi alam kong mahusay siyang actress. Magaling din siyang makisama sa katulad kong hindi pa naman katagalan sa showbiz. Magaan siyang katrabaho kasi nakangiti na siya kaagad ‘pag dumarating.

“Marami akong natutuhan sa kanya pagdating sa pag-arte,” sambit pa ni Meg.

May isa pang show si Meg sa TV5 tuwing Linggo. Ito ‘yung Happy Truck HAPPinas na kasama niya sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Derek Ramsayatbp.. Very light lang ang programa kaya pambalanse ito sa ginagawa niyang serye na BMAU.

“It’s fun! Madali ang work sa ‘Happy Truck’. At saka masaya behind the cam,”sey pa ni Meg.

‘Pag hindi busy sa showbiz si Meg ay nagpupunta siya sa Naga para asikasuhin ang negosyo nilang mag-ina, ang TimelessBeauty Salon and Spa.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link