Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, naetsapuwera; Maine, favorite ng advertisers

KINABOG ni Maine Mendoza si Marian Rivera during the trade launch ofGMA-7 recently.

Nang dumating sina Maine at Alden Richards ay talagang nakabibingi ang hiyawan sa event, kaliwa’t kanang pagbati ang inabot ng dalawa. Halatang pinagkaguluhan sila ng advertisers. Sila ang naging sentro ng atensiyon ng lahat ng naroroon.

Naunang dumating si Marian pero hindi siya gaanong pinagkaguluhan. Talagang tinalbugan siya ni Maine nang dumating ito sa event.

Mabilis naman ang pick-up ng alalay ni Marian na si Rams David. Kaagad nitong dinala si Maine sa table where Marian was seated. Alam mo na, publicity mileage rin ‘yon sa nagbabalik-showbiz niyang alaga.

Ayun, nagkagulo ang mga advertiser at photographer sa pagkuha ng litrato sa dalawa.

Of course, pinag-usapan ang litrato sa social media. It was a much-awaited event lalo pa’t first time na nagsama ang dalawa sa isang affair.

Ang sakit lang siguro dahil nakita ni Marian kung paano pagkaguluhan si Maine samantalang siya ay wala halos nagkagulo nang dumating siya.

Ang chika, pilit nang ipinasok sa backstage sina Alden at Maine dahil hindi magkamayaw ang mga tao sa pagpapa-picture at pagpapapirma sa kanilang dalawa.

Kung hindi pa siguro ginawa ‘yon ng bodyguards ay baka hindi pa natapos ang programa.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …