ANG dragon turtle cure ay very popular sa classical, o traditional feng shui schools.
Maaari itong matagpuan sa karamihang feng shui shops, gayondin sa alin mang Chinatown. Mula sa maliit na souvenirs sa cheap metal finish material hanggang sa beautifully carved jade statues, ang dragon turtle cure ay ‘strange things’ na may kaugnayan sa feng shui.
Ang dragon turtle cure ay classical feng shui cure, ito ay mula sa culturally specific Chinese symbology and folklore.
Hindi lamang culturally specific symbol ang dragon turtles, ito ay mythical creature din.
Ang dragong turtle ay may katawan ng pagong at ulo ng dragon, ito ay kadalasang nakatayo sa ibabaw ng maraming coins at ingots, at may kagat na coin sa bibig.
Ito ay kadalasang may nakasakay na isa o maraming baby dragon turtles sa kanyang likod, at may ru yi.
ni Lady Choi