Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian, naluha sa mga papuri nina Ate Vi, Angel at Direk Joyce

012216 xian vilma joyce angel
SOBRANG nadala ng emosyon si Xian Lim sa papuri mula kina Vilma Santos,Angel Locsin, at Bb. Joyce Bernal na mga kasamahan sa  Everything About Her.

Hindi namalayan ni Xian na tumulo na ang kanyang luha habang malugod itong nagpapasalamat sa press dahil sa suporta sa kanya.

Pinasalamatan din ng actor ang direktor ng pelikula dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya sa kabila ng bad publicity na ipinupukol sa kanya. Aniya,”Nagpapasalamat ako kay Direk Joyce for giving me trust. Kasi marami kayong naririnig pero para sa akin, everything is a learning process kasi once you stop learning that’s the time you die. Bigyan man ninyo ng good or bad writes up, magpapasalamat pa rin ako sa inyo.”

Ayon kay Ate Vi, si Xian ‘yung aktor na tinatrabaho talaga ang kanyang role, ginagawa ang assignment niya. ”’Pag kaeksena ko siya, nararamdaman ko lahat ang puwede niyang ibigay emotionally. Hindi siya ‘yung mga newcomer na walang pakialam sa kanilang roles. Sa pelikulang ito, ipinagmamalaki namin si Xian.”

Ayon naman kay Angel, unfair kung huhusgahan agad ang aktor. ”Hintayin muna ninyo ang pelikula namin at patutunayan ni Xian na mali ang pinagsasabi ninyo tungkol sa kanyang pag-arte. Dapat Xian, ang gawin mo, ipapanood mo sa mga basher mo ang pelikula at doon sila mag-comment,” anito.

Sa parte naman ni Direk Joyce, malaki ang potensiyal ng aktor na gumaling pa craft na pinili dahil sa nakikita nito ay ginagawa ng aktor ang kanyang assignment, pinag-aaralan ang script at character.

“Kung hindi man siya makakuha ng acting award sa movie ay baka nominasyon. I can see in him na magbubunga ang kanyang effort para maging mahusay na aktor at kasunod na roon ang pagpanalo ng acting award.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …