Friday , November 15 2024

P6-M smuggled goods nasabat sa Zamboanga

ZAMBOANGA CITY – Umaabot sa P6 milyong halaga ng  smuggled goods ang nasabat ng mga kasapi ng Philippine Navy lulan ng isang barko sa karagatan ng Zamboanga City.

Batay sa impormasyon mula kay Rear Adm. Jorge Amba, ang bagong commander ng Naval Forces Western Mindanao, namataan ang barko ng M/L Alkawsar sa karagatang bahagi ng Brgy. Recodo maghahating gabi kamakalawa, habang nagsasagawa sila ng naval patrol gamit ang Philippine Navy Multi-purpose Assault Craft (MPAC).

Nakita rin sa tabi ng naturang barko ang tatlong motorbanca na maglilipat sana sa smuggled goods ngunit agad nakalayo sa lugar at naiwan ang M/L Alkawsar.

Base sa inspeksyon ng mga awtoridad sa naturang barko, walang mga dokumento ang mga kargamento kaya itinuturing itong smuggled goods.

Napag-alaman, nagmula ang smuggled goods sa Sandakan, Malaysia.

Ito ay may pitong crew at lulan ang 1,500 sako ng asukal at marami pang ibang mga kontrabando.

Ibinigay na sa kustodiya ng Bureau of Customs (BoC) ang mga narekober na kontrabando habang isinasailalim na rin sa imbestigasyon ang mga crew ng barko para matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng mga kargamento.

Inihayag ni Amba, magpapatuloy ang ginagawa nilang naval patrol sa kanilang area of responsibility laban sa mga ilegal na aktibidad lalo na sa isyu ng smuggling sa Mindanao.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *