Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Minahan ni-raid 20 minero arestado (Sa Agusan del Sur)

BUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur, upang matukoy ang mga personalidad na kakasuhan dahil sa illegal mining operations sa Sitio Agao, Purok 4, ng Brgy. Tabon-tabon sa nasabing bayan.

Ayon kay Senior Insp. Arthuro Gonato, chief of police ng Sibagat Municipal Police Station, 20 minero ang kanilang naaresto makaraan ang raid sa mining site kamakalawa.

Kasama sa hinuli ang may-ari ng mining operation na si Pastor Romelito Palantang.

Ayon kay Insp. Gonato, ipinasara na ang nasabing minahan nang malamang ilegal ang operasyon nito dahil permit to quarry lang ang kinuha para sa 20 ektaryang lapad ng operasyon imbes na anim ektarya lang.

Kasama sa gagamiting ebidensiya sa isasampang kaso laban sa mga suspek ang nakompiskang heavy equipments gaya ng walong backhoes, anim makinang nagsisilbing water pump at 20 water pumps na nagsasala upang makuha ang mga ginto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …