Gud pm po sir,
Nag-drim po ako na lumalangoy ako sa dgat tas daw nalunod ako, anu po ba pinahihiwatig ng gani-tong panaginip, sana ay masagot nyo agad ito, salamt, Edgar of malabon, wag nyo na lang po popost cp ko.
To Edgar,
Kapag nanaginip na ikaw ay lumalangoy, ito ay nagsasabi na ginagalugad mo ang aspeto ng iyong unconscious mind and emotions. Ito ay maaaring senyales din ng paghahangad o paghahanap mo ng ilang emotional support. Ito ay kadalasang nararanasan ng mga taong sumasailalim sa therapy.
Ang dagat naman na napanaginipan ay may kaugnayan sa iyong unconscious at sa iyong transition sa pagitan ng unconscious at ng conscious na kamalayan. Ito rin ay may kaugnayan din sa iyong emosyon. Posible rin naman na ito ay isang pahiwatig ukol sa mga bagay na dapat mong maintindihan at makita nang mas maayos at malinaw. Maaari rin naman na ito ay pahiwatig sa pangangailangang i-reassure ang iyong sarili o magbigay ng reassurance sa iba. Ito ay nagbibigay din ng hope, new perspective at positive outlook sa buhay gaano man kahirap ang mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap. Ang panaginip mo rin ay may kaugnayan sa pagtahak mo sa hinahangad na mithiin at ang pag-usad mo sa pang-araw-araw na ginagawa
Kapag nanaginip na nalulunod, ito ay nagsasaad na ikaw ay nakadarama ng overwhelmed na emotions. Maaari rin na may mga repressed issues na bumabalik sa iyo. Posible rin na masyadong mabilis ang pagpoproseso mo sa pagdiskubre ng iyong subconscious thoughts. Dapat na maghinay-hinay at maging maingat sa mga ganitong bagay. Ikonsidera ang sitwasyon na ang iyong pangamba o takot ang siyang nagdidikta sa mga bagay na dapat gawin o sa iyong mga aksiyon.
Señor H.