KAHIT paulit-ulit na pinaaalalahanan na mag-ingat ang mga artista dahil marami na sa kanila ang pinagpipistahan sa kanilang video scandal, marami pa rin ang hindi natututo.
Pagkatapos kumalat ang umano’y video scandal ni Joross Gamboa, nasundan naman ito ng umano’y video scandal ng GMA Artist na si Jeric Gonzales.
Nag-react sa text ang Ultimate Male Protégé winner ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break sa 3 minutes video ng kamukhang-kamukha niya, may headset at nagsasariling sikap.
“Ha!ha!ha! Saan naman galing ‘yan Kuya Rom,” reply ni Jeric sa kanyang publicist na si Rommel Placente.
“Ha!ha!ha! langya gusto ba nila makita?Gagawa ako kung gusto nila.ha!ha!ha! Joke lang. Mga wala lang magawa mga ‘yun,” text tsika pa ni Jeric.
Tungkol naman kay Joross, pauwi na siya sa January 18 galing Canada. Deadma lang ang pamilya ni Joross sa isyu.
Makikita sa Facebook account ng asawa ni Joross na si Katz, pati na rin ang ina ni Joross na si Mommy Monet ang picture ng actor kasama ang asawa niyang si Katz at ang baby nila na si Jace Kyler: Mababasa ang Matthew 6: 25-34, ”God is in Control. So do not worry”-
Mababasa rin ang, ”For we trust in our God and through his unfailing love we will not be shaken”.
May caption din na ”ONE FAMILY IN GOD. The world may be shaken and trouble arise, still nothing can take away the peace and love that God gives to those who trust in Him.”
Bagamat hindi nagsasalita ang family ni Joross, mararamdaman mo ang suporta nila, pati ang asawa niya sa isyung pinagdaranan niya. Batid namin na may katahimikan sila dahil kay God.
Alam din namin na madaling makalimot ang mga tao sa eskandalong ito at lilipas din gaya ng ibang celebs na nasangkot sa ganitong eskandalo.
Kayang-kayang lagpasan ni Joross dahil hindi naman siya matinee idol at isang young actor Napatunayan na rin naman niyang mahusay siyang artista. NagingBest Actor na siya ng Star Awards for TV at naging Best Supporting Actor ngCinemalaya filmfest noong 2012.
Sana lang tumigil na ang mga tao sa social media na pinagpasa-pasahan ito lalo’ta may batas na ipinagbabawal ito.
TALBOG – Roldan Castro