Sunday , December 22 2024

Totoy tigok sa stray bullet

NAMATAY ang isang binatilyo makaraang tamaan ng ligaw na bala habang idinaraos ang kapistahan sa kanilang lugar sa Brgy. Minuyan 1, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Supt. Charlie Cabradilla, hepe ng SJDM City Police, ang biktima ay kinilalang si Polo Araneta, 11-anyos, grade school pupil, at residente sa nabanggit na barangay.

Lumitaw sa imbestigasyon, ang biktima ay sumasayaw at nakikipagsayahan kasama ang ilang kaibigan at habang nasa kasagsagan ng pagpapaputok ng kuwitis para sa kapistahan ay bigla na lamang bumulagta.

Nabatid na habang may sumasabog na kuwitis ay may sumabay na nagpaputok ng baril sa lugar at tinamaan ng ligaw na bala sa ulo ang biktima.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival sanhi nang malubhang tama ng bala sa ulo.

Nagsasagawa na nang malalimang imbestigasyon ang pulisya upang matunton ang pinagmulan ng ligaw na bala at mapanagot ang suspek sa insidente.

Micka Bautista)

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *