Monday , December 23 2024

EDCA idineklarang konstitusyonal ng Korte Suprema

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) en banc session na legal at walang nilalabag sa Saligang Batas ang kontrobersiyal na Philippine-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa botong 10-4, idineklarang constitutional ang EDCA, habang may isang mahistrado na nag-inhibit.

Una rito, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court hinggil sa legalidad ng EDCA.

Matatandaan, naging mainit ang usapin dahil wala raw basbas ang Senado sa pinasok na kasunduan ng bansa sa Estados Unidos.

Nagsumite pa si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Korte Suprema ng kopya ng kanyang resolusyon na nagdedeklarang labag sa Saligang Batas ang pinasok ng Filipinas na kasunduan sa Estados Unidos.

Nabatid na 13 senador ang lumagda sa resolusyon ni Santiago na kinabibilangan nina Senators Sonny Angara, Pia Cayetano, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, TG Guingona, Lito Lapid, Bongbong Marcos, Serge Osmeña, Koko Pimentel, Ralph Recto, Bong Revilla at Cynthia Villar.

Iginiit ni Santiago na ang pinasok na kasunduan ng Filipinas sa Amerika ay dapat ratipikahan pa ng Senado.

“The Constitution is clear and categorical that Senate concurrence is absolutely necessary for the validity and effectivity of any treaty, particularly any treaty that promotes for foreign military bases, troops, and facilities, such as the EDCA,” saad sa resolusyon.

Noong Nobyembre mismong si US President Barack Obama ang naghayag na makapapasa o makalulusot sa legal tests lalo sa Supreme Court ang EDCA.

Ayon kay Obama, malaking tulong ang EDCA para maisakatuparan ang kanilang commitment sa Filipinas sa area ng defense at humanitarian works.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *