Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP nagpatupad ng balasahan, 740 personnel apektado

NAGSIMULA nang magpatupad ng pagbalasa ang pamumuan ng PNP sa ilang mga matataas na opisyal nito ngayong opisyal nang nagsimula ang election period.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, hanggang kahapon, nasa 740 pulis na ang na-reassigned sa iba’t ibang mga posisyon.

Sa bilang na ito, 25 ang police directors, siyam ang city directors, 27 ang police safety force commanders, at 147 ang chief of police.

Sinabi ni Mayor, ang hakbang na ito ay sariling inisyatibo ng pamunuan ng pambansang pulisya upang maiwasan na magamit ang kanilang mga tauhan ng kandidato sa darating na halalan.

Pagtitiyak ni Mayor, temporary lamang ang paglipat sa bagong assignment dahil maaaring makabalik pa sa dati nilang posisyon ang mga natanggal na opisyal sa oras na tapos na ang eleksyon at kung hindi pa nakakadalawang taon sa kanyang destino ang na-reshuffle na opisyal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …