Friday , November 15 2024

‘Secure and fair elections’ inilunsad

INILUNSAD kahapon ng Commission on Elections, Philippine National Police, Department of Interior and Local Govenrment at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang Secure and Fair Elections (SAFE) para sa kampanya kaugnay sa nakatakdang May 2016 Elections.

Ito na ang hudyat para sa pagsisimula ng election period kahapon.

Pinangunahan mismo nina DILG Secretary Mel Senen Sarmiento at Comelec Chairman Andres Bautista ang parada para sa SAFE kasama ang Department of National Defense, PNP, Department of Education at non-government organizations (NGOs) sa Quirino Granstand, sa lungsod ng Maynila.

Nakapaloob sa aktibidad ang peace walk, covenant signing at candle lighting.

Kahapon din ang mismong pagsisimula ng gun ban at dagdag checkpoints sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa halalan sa Mayo.

Comelec Chief nag-inspeksiyon sa checkpoints

PINANGUNAHAN ni Comelec Chairman Andres Bautista ang inspeksiyon sa inilagay na checkpoints para sa pagsisimula ng election gun ban kahapon.

Batay sa Comelec Resolution No. 9981 o Calendar of Activities for the May 9 elections, simula kahapon, Enero 10, 2016, bawal na ang pagdadala ng baril o ano mang nakamamatay na armas, maliban kung ito ay may pahintulot mula sa poll body.

Dapat ang permiso ay nakasulat at pirmado ng kaukulang mga opisyal.

Ngunit ‘exempted’ sa gun ban sina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Vice President Jejomar “Jojo” Binay, mga senador, kongresista, cabinet members, justices at iba pang law enforcement agencies.

Sa paglilibot ng grupo ni Bautista, kontento sila sa paraan ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng checkpoint.

Kailangan aniyang masunod ang mga patakaran upang hindi malabag ang karapatang pantao ng mga mamamayan.

Dapat ang checkpoint ay nasa maliwanag na lugar, may tamang signage, malinaw na makikita ang opisyal na nangangasiwa ng aktibidad at nakapuwesto ang official vehicle ng pulisya.

Hindi maaaring basta pasukin ng mga pulis ang sasakyang iinspeksiyonin o puwersahang pababain ang sakay nito kung walang sapat na dahilan.

Kung may reklamo aniya sa implementasyon ng checkpoints, maaari itong idulog sa punong tanggapan ng PNP at Comelec.

Ang PNP ay nasa ilalim ng pagmamando ng Comelec sa buong election period.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *