Saturday , November 16 2024

Absuwelto ni PNoy sa SAF 44 draft lang — Ferrer

NILINAW ni Negros Occidental 4th District representative Jeffrey Ferrer, hindi pa pinal ang lumabas na report ng House committee on public order and safety na nagpapahayag na inabsuwelto na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 kasapi ng Special Action Force (SAF).

Sinabi ni Ferrer, draft pa lamang ang naturang report at hindi pa nalagdaan nang mahigit 50 miyembro ng komite.

Aniya, dapat munang pag-aralan ng bawat miyembro ang dalawang komite sa Kamara na nagsasagawa ng imbestigasyon ang report upang mapagbigay ng kanilang ‘inputs’ at komento para sa pinal na committee report.

Ipinaliwanag niya na matagal nang natapos ang draft ngunit natagalan ang pagsasapinal dahil maraming tinatalakay ang Kamara.

Hindi man inamin ni Ferrer na naabsuwelto si Pangulong Aquino sa naturang draft report ngunit sa kanyang sariling pananaw batay sa kanilang imbestigasyon ay talagang walang kasalanan ang Pangulo sa nangyari dahil malinaw ang instruction sa mga opisyal na humahawak ng operasyon.

Sa kabilang dako, naniniwala si Ferrer na politika ang nasa likod nang muling pagbubukas ng Senado sa imbestigasyon sa Mamasapano, na mismong si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang nagsusulong dahil wala siya noong isinagawa ang imbestigasyon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *