Friday , November 15 2024

VP gumasta ng P600-M sa pol ads

SI vice president Jejomar Binay ang pinakamalaking gumasta sa TV commercials o political ads mula Enero 1 hanggang Nobyembre 30 ng taong 2015.

Ayon sa monitoring ng media research firm na Nielsen Philippines, gumastos ng P595,710,000 milyon ang kampo ni Binay para sa pag-ere ng mga political ads sa iba’t ibang estasyon sa telebisyon.

 Kinuwestyon ng tagapagsalita ni Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas na si Akbayan Representative Barry Gutierrez ang pinagmulan ng pondong ipinambayad ni Binay sa mga political ads.

“Sa aking pagkakaalam, sa buong 30 years na nakaraan, siya ay nakaupo sa puwesto bilang opisyal ng pamahalaan. Last five years, siya ay Vice President. Before that, siya ay Mayor ng Makati. Wala akong alam na ibang pinanghawakan niyang position. Hindi siya nagtrabaho sa korporasyon. Hindi siya nagkaroon ng sariling negosyo. So saan nanggaling ‘yang P600 million na ‘yan? ‘Yun siguro ‘yung importanteng maipaliwanag sa figures sa report na lumabas,” ani Gutierrez.

 Sa kanyang 2014 Statement of Assets and Liabilities (SALN), tinatayang nasa 60,250,932 milyong piso ang yaman ni Binay. Noong 1988 ay tumatayo lamang sa P2,500,000 milyon ang halaga ng mga ari-arian ni Binay.

Halos tatlong dekada nang nasa gobyerno si Binay, alkalde siya ng lungsod ng Makati sa malaking bahagi ng panahong nabanggit.

“Hindi pa nagsisimula ‘yung official campaign period, meron na siyang P600 million na ginagastos sa mga TV ads pa lang, ‘di ba? ‘Di pa kasama ‘yung iba pang gastusin sa kampanya. Kung meron siyang mga poster, mga tarp o kung ano pa man, hindi ‘yan bilang sa P600 million na ‘yan,” pahayag ni Gutierrez.

Sa Pebrero 9 pa magsisimula ang opisyal na kampanya ngunit aminado si Binay na 2010 pa lamang ay umiikot na siya sa bansa para mangampanya.

Samantala, tinawanan ni Gutierrez ang tangka ng kampo ni Binay na pabulaanan ang Nielsen report at sinabing si Roxas daw ang may pinakamalaking ginastos.

“Ang natatawa lang ako rito, lagi kami ang pinagbibintangan na kami raw, ang administrasyon, kami raw ang gumagamit ng makinarya at pera para patakbuhin ang aming kampanya, pero malinaw sa report na ito na ‘yung aming mga kalaban ay ‘di hamak namang mas malaki at may kakayahang gastusin doon sa mga advertisement,” dagdag niya. 

Trust, approval rating ni Binay tumaas

NAMAYAGPAG na muli ang trust at approval ratings ni Vice President Jejomar Binay sa latest survey ng Pulse Asia sa last quarter ng 2015.

Sa naturang data, nakakuha si Binay ng +52 na approval rating o mas mataas ng siyam na puntos mula sa dating +43 noong Setyembre, habang +49 o mas mataas ng 10 puntos ang kanyang trust rating mula sa dating +39.

Pinakamataas ang approval rating ng pangalawang pangulo sa Visayas, pangalawa sa Luzon at Mindanao.

Samantala, nananatiling most trusted official si Pangulong Benigno Aquino III.

Nakakuha siya ng +55 approval rating, habang +53 ang kanyang trust rating.

Pinakamataas siya sa Visayas na may +64, Mindanao na may +61 at mula sa Class D (+51) at E (+64).

Si Senate President Franklin Drilon ay may majority approval rating na +51 o isang puntos na pagtaas mula noong Setyembre 2015.

Habang bumaba sa +29 point si House Speaker Feliciano Belmonte mula sa dating +32 noong Setyembre.

Si SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay may approval at trust ratings na hindi nagbago sa +29 at +25 points.

Ang survey ay isinagawa noong Disyembre 4 hanggang 11, 2015 sa 1,800 respondents.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *