PINANINIWALAANG may kapangyarihan ang Hand of Glory, na preserbadong kamay ng isang binitay na convict, sa isang eskuwelahan sa Pittsburgh.
Naging komplikado ang preparasyon ng nasabing souvenir. Una, kinailangang putulin ang kamay ng binitay na kriminal habang nakabitin pa ang katawan niya. At ang paniniwala ng lahat, kung gaano kasama ang krimen, ganoon din ka-epektibo ang mahika mula rito.
Sa sandaling napatulo na ang dugo, binalot ang kamay sa tela (mas mainam kung iyong puting pambalot sa kalilibing pa lang na bangkay) at, ayon sa sinaunang recipe: “ibinuro sa asin, at ihi ng isang lalaki, isang babae, isang aso, isang bisuro at kabayo; pinausukan ng iba’t ibang dahon at dayami sa loob ng isang buwan; ibinitin sa puno ng oak nang tatlong gabi, saka inilatag sa gitna ng nagsalubong na kalsada at ibinitin sa harap ng simbahan ng isang gabi.”
Pagkatapos nito, isinawsaw ang mga daliri ng kamay sa taba ng isa pang binitay na kriminal, o sa kandila mula sa kapareho ring sangkap.
Sa sandaling nagawa na ito, ginagamit ang kamay ng mga magnanakaw para mas maging madali ang kanilang trabaho at ligtas din dahil makatutulog nang mahim-bing ang kanilang bibiktimahin. Sisindihan din ang kandila, sa pagpasok ng mga magnanakaw—na maiilawan ng sinag nito—saka magdarasal:
Let those who rest more deeply sleep,
Let those awake their vigils keep,
O Hand of Glory, shed thy light,
Direct us to our spoil tonight.
Sa pelikulang Harry Potter and the Chamber of Secrets, nakakita si Draco Malfoy ng Hand of Glory sa Borgin & Burkes, ang sikat na dark arts specialist shop ng serye. Binili ito ni Draco at ginamit sa Harry Potter and the Half Blood Prince.
Kinalap ni Tracy Cabrera