TUNAY na makasaysayan, makulay, at puno ng tensiyon ang pagkapanalo ng ating pambato na si Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015.
Una, after 42 years, nasungkit natin ang korona, thus making her the third Filipina to win such honors.
Second, first time yata sa history ng Miss Universe na nagkamali sa pag-anunsiyo ng winner at agad itong binago. Naging biktima tuloy si Ms. Colombia na nagmo-moment na sana bilang ka-back-to-back ng kapwa Colombian na nagpasa ng crown, pero agad ‘yung naputol dahil ang eventual winner na si Ms. Philippines ang dapat na koronahan. Grabe ang paghingi ng paumanhin ng first-time host na si Steve Harvey sa kanyang pagkakamali.
Ikatlo, historic and momentous talaga ang bagong voting scheme ng kontes dahil hindi lang judges ang pumili ng mga semifinalist, finalists, and winners. Kasali na rin sa botohan ang netizenz or on-line voters at ang pinakabagong innovation ay ‘yung after mapili ang Top 3, boboto rin ang mga kapwa-kandidata ng Ms. Universe nila.
Thus, making Pia’s win a truly deserving one, much sweeter and simply convincing!
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus