Saturday , November 23 2024

Feng Shui: Mainam na dekorasyon sa bedroom

00 fengshuiPLANO mo bang lagyan ng mga dekorasyon ang iyong kwarto? Maaaring mainam na palitan na ang dating dekorasyon ng iyong bedroom upang magkaroon ng pagbabago rito.

Nais mo ba ng Feng Shui bedroom decorating ideas? Sundin ang Feng Shui tips na ito upang mapanatili ang balanse sa lugar, matiyak ang mahimbing na pagtulog at upang mapanatili ang higit na positibong relasyon sa iyong kapareha.

*Maglagay ng mga bagay na magkapares. Magbuo ng sense of balance sa bedroom at magkaroon ng equality sa relasyon sa pamamagitan ng isang pares ng nightstand at isang pares ng table lamps – sa magkabilang side ng kama. Ang bagay na dalawahan ay good Feng Shui, ngunit huwag namang sosobra.

*Ang dekorasyon ay dapat may peaceful colors. Ang bedroom ay dapat na maging lugar ng pamamahinga. Ang Yin colors katulad ng blue at green ang pinakamainam. Magdagdag ng darker, earth tone accents para sa contrast at upang makapagdagdag ng “autumn” feeling sa lugar. Ang blue with chocolate brown o green with deep maroon or dark beige ay dalawang bedroom decorating ideas na magbubuo ng sense of color balance.

*Gumamit ng Feng Shui bedroom mirror para sa magandang swerte at komunikasyon. Ang salamin malapit sa paanan ng kama ay maaaring magparami sa iyong swerte at kaligayahan, magpapabuti sa komunikasyon sa relasyon, at maglalaan ng sense of completion sa iyong mga hangarin. Dahil ang mga salamin ay “yang” (active) energy at ang bedroom ay “yin” (restful) space, gumamit lamang ng sapat na Feng Shui bedroom mirrors. Ang malaking round mirror sa dingding sa itaas ng headboard ay magpapa-relax sa mata, magbabawas ng tensyon at magpapatatag sa marriage. Magdagdag ng salamin malapit sa paanan ng kama, at makikita mo ang pagdoble ng imahe, na magdudulot ng sense of joyful expansion, completion and advancement.

*Maghikayat ng “living chi” sa space sa pamamagitan ng mga halaman. Maaaring mainam na ipasok ang ilang outdoor plants. Maglagay ng ilan nito sa iyong kuwarto bilang dekorasyon. Ang Feng Shui plants ang magpapasigla sa espasyo at maghihikayat ng health chi sa iyong kwarto.

*Pagtuunan ng pansin ang pwesto ng kama. Tiyaking ang iyong kama ay nasa command position ng kwarto. Ito ay makatutulong para sa iyong mahimbing na pagtulog sa gabi.

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *