SPEAKING of MMK, yes mare, noon lang uli kami umiyak sa isang drama show.
Napakaganda naman kasi ng kuwento ni Bert Mendoza, isang public school teacher na nagkaroon ng X-Linked Dystonia Parkinsinism (XPD) o “lubag” sa lokal na tawag.
Ito ‘yung kakaibang kondisyon na kapag tinamaan ang isang tao at a certain age ay naaapektuhan ang speech and movement hanggang ma-paralyze at kapag napabayaan ay mauuwi sa kamatayan.
Mahal ang treatment sa pambihirang sakit na ito kaya noong mabigyan ito ng mukha finally, marami na ang aware at curious kung paano makatulong.
Si Gerald Anderson ang gumanap na Bert. Doon pa lang sa mga eksenang bading-badingan habang nangangarap maging isang excellent English teacher na very loving sa pamilya at nanay ay winner na si Ge, pero nang tamaan na siya ng sakit na XPD, hay, mapapaiyak ka talaga sa galing n’yang umarte.
Congrats din sa iyo Ge at sure kaming napaka-relevant ng iyong ginawa!
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus