BOGOTA, Dec 4 (Reuters) – Natagpuan ng Colombia ang labi ng Spanish galleon na lumubog sa baybayin ng Cartagena at pinaniniwalaang may kargang emeralds, ginto at silver coins, pahayag nitong Biyernes ni President Juan Manuel Santos.
Marami pang detalyeng ihahayag sa news conference, ayon kay Santos sa kanyang Twitter account.
Ang San Jose ay lumubog noong 1708 sa Caribbean Sea malapit sa walled port city ng Cartagena. Ito ay bahagi ng ‘fleet’ ni King Philip V habang nakikipaglaban sa English sa kasagsagan ng War of Spanish Succession.
“Great news! We have found the San Jose galleon. Tomorrow we will provide details at a press conference from Cartagena,” pahayag sa tweet ni Santos.
Ang pahayag na ito ng gobyerno nitong Biyernes, ay hindi nagbigay-linaw sa legal battle sa Sea Search Armada, isang U.S.-based salvage company na matagal nang may nakahaing kaso laban sa Bogota hinggil sa lung sino ang may-ari ng nasabing labi nang lumubog na barko. Sinabi ng SSA noong 1981 na ito ay matatagpuan sa kung saan lumubog ang barko.
Ang SSA at ang gobyerno ay dating partners noon at bilang pagsunod sa international custom, nagkasundo silang maghati sa ano mang kikitain. Ngunit kalaunan, sinabi ng gobyerno, ang kayamanan ay pag-aaari ng Colombia.
Noong 2011, idineklara ng U.S. court na ang galleon ay pag-aari ng Colombian state.