Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miles, nagbunga ang paghihintay

120915 miles ocampo
“WORTH the wait po kuya,” sey sa amin ng anak-anakan naming si Miles Ocampo na bibida na sa And I Love You So na nag-umpisa nang umere noong Lunes, Dec. 7 after ng All of Me sa ABS-CBN afternoon drama.

Tuwang-tuwa kami kay Miles na noon pa namin kilala, nakaka-tsikahan at bonggang nakaka-tsismisan ng mga anik-anik lalo na kapag nagkikita kami sa clinic nina Dr. Jay & Dra. Shiela Recasata ng Faces & Curves.

Matagal nga naman ang ipinaghintay ng dalaga bago siya nabigyan ng ganito kalaking break though marami naman siyang projects na nasasalihan.

“Siguro po talaga kapag ukol sa iyo, sa iyo,” hirit pa ng dalaga na siya ngayong ka-love team ni Inigo Pascual sa soap at kabangga ni Julia Barretto (parang inire-relaunch din as bida-kontrabida).

Sa trailer pa lang ng serye ay mararamdaman mo na ang pang-aapi sa kanya ng mag-inang Julia at Angel Aquino na mukhang may kakaibang pasabog ang karakter.

Si Dimples Romana ang gaganap na nanay ni Miles habang si Tonton Gutierrez ang tatay. Kasama rin sa serye sina Jay Manalo at Kenzo Gutierrez.

Ambetiously – Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …