NAPANOOD naming ang Martin Home For Christmas na concert ni Martin Nievera sa Solaire.
Sobrang family-oriented ang show at ipinakita nito na Concert King talaga si Martin.
First, naroon ang madir ni Martin na si mom Conchita Nievera para manood. Mayroon din siyang kasamang ilang family friends.
Nag-join sa stage ang sister ni Martin na si Vicky Nievera at nakipag-jam ito sa singer. Nagbigay din ng suporta ang anak ni Martin na si Robin. Nag-jam ang dalawa at kumanta ng solo si Robin after.
Mahigit 20 songs ang nasa repertoire ni Martin pero walang bakas na nahirapan siya. Talagang seasoned na seasoned na siya as a performer. Pinatunayan niya na solid pa rin ang kanyang boses kahit na more than 33 years na siya in showbusiness.
Ang maganda pa kay Martin is that he can crack a joke. Very witty si Martin at class na class ang kanyang mga hirit.
Martin was on his most emotional when he sang Kahit Isang Saglit, Imagine and Christmas Won’t Be The Same Without You.
He was so galing in his medley of old Broadway musical numbers kaya naman binigyan siya ng standing ovation.
Sina Matteo Guidicelli and KZ Tandingan ang guests niya na magagaling din, lalo na si KZ na talagang makapanindig-balahibo ang performance.
For Martin, Christmas is a family affair.
UNCUT – Alex Brosas