GUMAGAWA ang isang mag-ina sa Cornwall, England ng knitted sweaters at ibinibenta ito para sa rescued battery hens, na kadalasang naninirahan at nangingitlog sa masisikip na kulungan.
Ang kita ay ibibigay bilang donasyon sa AIDS orphanage sa South Africa.
Sinabi ni Nicola Congdon, 25, ang sweaters ay hindi lamang magaganda kundi makatutulong din na hindi ginawin ang mga manok, makaraan silang magretiro sa pangingitlog o kapag na-rescue, dahil nalalagas ang kanilang balahibo habang nasa loob ng kulungan.
“It’s important to make people aware of the poor conditions the hens live in and the fact that they have no feathers when they are retired,” pahayag niya sa Mashable.
Upang makatulong, si Congdon at kanyang ina na si Ann, 58, ay gumawa ng sweaters. Halos kalahati ng mahigit 60 manok ng mag-ina ay rescued birds.
“The chickens absolutely love them,” pahayag niya U.K. newswire SWNS.
Aniya, ang sweaters ay madaling isuot sa manok, at kapag nabihisan na, “they do everything they should be doing, as a chicken would.”
“I don’t leave them on unattended but it’s OK to leave [on] if they have someone checking on them for safety reasons,” pahayag niya sa The Huffington Post sa email. “I like doing it for 30 [minutes] as [it] warms the chickens up a little and helps socializing with them.” (THE HUFFINGTON POST)