Friday , November 15 2024

Sarili sinilaban ni lola

TUGUEGARAO CITY – Natuluyan ang isang lola sa kanyang ikaapat na tangkang pagpapakamatay nang sunugin ang kanyang sarili sa bayan ng Peñablanca, Cagayan kamakalawa.

Dumanas ng second degree burn ang biktimang si Martina Furigay, 67-anyos, may-asawa, at residente ng Sitio Dana, Brgy. Manga, Peñablanca.

Sa ulat, napansin ng isang residente ang biktima na gumagapang sa labas ng kanyang bahay habang  nasusunog na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa mister ng biktima na si Domingo, posibleng ginamit ng matanda ang anim na litrong gasolina sa pagsunog sa sarili.

Sinasabing hindi nakayanan ng biktima ang depresyon nang mamatay ang kanilang anak. Ang unang pagtatangka ng biktima sa buhay ay noong gilitan niya ang kanyang leeg.

Sa pangalawa at pangatlong tangkang pag-suicide ay uminom siya ng zonrox at binuhusan angs sarili ng mainit na tubig.

Bukod sa ‘di matanggap ang pagkamatay ng anak ay may kapansanan din siya sa pag-iisip na pinaniniwalaang nakadagdag sa kanyang depresyon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *