Thursday , June 4 2026

Sanggol dedbol sa bumagsak na aparador

NAGA CITY – Binawian ng buhay ang isang buwan gulang na sanggol makaraang mabagsakan ng natumbang aparador kamakalawa sa kanilang bahay sa Brgy. IV, Daet, Camarines Norte.

Napag-alaman, iniwan ni Marilyn Caliso, ina ng biktima, sa kanilang inuupahang bahay ang sanggol kasama ang dalawa pang mga anak na may gulang na 2-anyos at 4-anyos, upang maglaba.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, habang naglalaro ang dalawang bata ay aksidenteng naitulak ang aparador at nabagsakan ang sanggol.

Agad itinakbo sa ospital ng kanyang ina ang biktima ngunit sa kasamaang palad ay hindi na naisalba ng mga doktor.

Nabatid na nagtatrabaho sa ibang bayan ang ama ng biktima nang mangyari ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …