Friday , November 15 2024

Dalagita tumalon mula 5F ng mall (Pinagalitan ng magulang)

DAVAO CITY – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang 15-anyos dalagita nang tumalon mula sa ikalimang palapag ng The Peak sa Gaisano Mall sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Maria Ellah Faith Kataria, estudyante at residente ng Phase 5, El rio Vista Bacaca sa nasabing lungsod.

Ayon sa security guard ng mall, bandang 7:45 p.m. nang tumalon ang biktima at bumagsak sa rooftop ng isang establisyemento ng Sta. Ana Avenue ng lungsod.

Agad dinala ang biktima sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ng isang Rey Llanes, OIC, ng Filipino-Chinese Volunteer Firefighter.

Sa panayam ng mga awtoridad sa ina ng biktima na si Florence Kataria, 38, isang negosyante, pinagalitan niya ang kanyang anak dahilan upang umalis ang dalagita nang hindi nagpapaalam.

Hanggang sa makatanggap na lamang siya ng text message mula sa anak na nagsasabing “Bye mommy I love you so much, I will always be there for you, stay stronger.”

Ayon sa attending physician ng biktima, nabali ang buto sa kanang kamay ng biktima at may sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Patuloy ang masusing pag-obserba ng mga doktor sa kalagayan ng pasyente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *